869 JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS SA VALENZUELA NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK-PROGRAM
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
NASA 869 jeepney operators at mga drivers sa Valenzuela City ang pansamantalang nabigyan ng sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)’s Cash-for-Work Program.
Ito’y para matiyak na maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng kanilang nasuspindeng operasyon dahil sa pinalawig General Community Quarantine (GCQ).
Sa DSWD Administrative Order 15, ang proyekto ay magsisilbi bilang isang “short-term intervention to provide temporary employment to distressed/displaced individuals by participating in or undertaking preparedness, mitigation, relief, rehabilitation or risk reduction projects and activities in their communities or in evacuation centers.”.
Ang programa ay maaari ring isagawa bago, habang, o pagkatapos ng pagkakaroon ng isang natural kung saan ang mga kalahok ay babayaran ng cash para sa serbisyong kanilang ibinigay na kanilang magamit sa pagbili ng pangunahing pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
Sa loob ng 10 araw na programang pinabilis ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang mga miyembro ng pitong Valenzuela City-recognized jeepney operators at drivers associations (JODAs) ay ipinakalat sa kanilang nakatalagang mga barangay para sa gagawing community service.
Para sa buong araw na trabaho sa street sweeping at creek at canal declogging, makakanggap ang isang kalahok ng Php 500 o kabuuang Php 5,000 para sa 10-day work assignment.
Kasama ang 631 miyembro ng urban poor group at solo parents mula sa lungsod, nakumpleto ng mga miyembro ng JODA ang listahan ngayong taon ng mga beneficiary ng Cash-for-Work. (Richard Mesa)
-
54 Valenzuelano solo parents nakatanggap ng educational assistance
NASA 54 na kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Ang mga benepisyaryo ng educational assistance ay mga rehistradong solo parents sa lungsod ng Valenzuela na may mga anak na nag-aaral sa tertiary level ng edukasyon. […]
-
Ads October 1, 2020
-
INSIGHT 360 Films, Releases Teaser MV for the RomCom film ‘Miss Q & A’
INSIGHT 360 Films has released a teaser music video for the upcoming romantic comedy film—Miss Q & A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life? —starring Kakai Bautista and Zoren Legaspi. Directed by award-winning filmmaker Lemuel Lorca and produced by Chris Cahilig, “Miss Q & A” tells the story of a romantically frustrated pageant trainer and […]