PDu30, handang harapin si Gordon sa public debate
- Published on April 14, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.
Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, tinawag ni Pangulong Duterte na “magnanakaw” si Gordon dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon sa Philippine Red Cross (PRC), kung saan siya ang tumatayong chairman.
“If you want to engage me in a debate in public, okay, I will,” ayon sa Pangulo sabay sabing alam niya kung ano ang case number ni Gordon.
Ang case number ay tumutukoy sa identification number na in-assigned ng clerk of court sa isang criminal case.
“I have your case number, Mr. Gordon,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, binatikos naman ng Chief Executive si Gordon dahil sa tumatalsik nitong laway habang nagsasalita.
“Kaya kung magpunta kayo sa mga rally nandiyan si Gordon, magdala kayo ng payong,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
PBBM, magkakaroon ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng APEC summit
MAY anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand. “Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders […]
-
Jeepney phase out deadline pinalawig hanggang Dec. 31
PINALAWIG ng pamahalaan ang deadline ng phase out ng mga traditional jeepneys sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program hanggang katapusan ng taon. Ito ang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni chairman Teofilo Guadiz kung saan niya sinabi na magkakaron ng pagkakaantala ang consolidation ng […]
-
Sanya, tanggap na tanggap ni Marian bilang kapalit sa ‘First Yaya’
WALANG problema kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kung sino ang ipinalit sa kanya bilang katambal ni Gabby Concepcion sa una sana nilang team-up sa Kapuso rom-com series na First Yaya, dahil siya naman ang kusang nag-beg-off. Ginawa niya iyon dahil hindi nga niya kayang iwanan ang mga anak para lamang magtrabaho, lalo na sa […]