Sanya, tanggap na tanggap ni Marian bilang kapalit sa ‘First Yaya’
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG problema kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kung sino ang ipinalit sa kanya bilang katambal ni Gabby Concepcion sa una sana nilang team-up sa Kapuso rom-com series na First Yaya, dahil siya naman ang kusang nag-beg-off. Ginawa niya iyon dahil hindi nga niya kayang iwanan ang mga anak para lamang magtrabaho, lalo na sa bunso niyang si Ziggy na bini-breastfeed pa niya.
Natatakot siyang umalis ng bahay na baka pagbalik niya ay may dala na siyang virus. Hinayaan na lamang niyang si Dingdong Dantes muna ang magtrabaho.
Kaya natuwa siya nang ang makuhang kapalit niya sa serye ay si Sanya Lopez dahil nakasama na niya ang aktres sa Encantadia, na gumanap na isa sa mga anak niyang Sang’gre, si Danaya.
Bago pa raw lamang gumagawa ng teleserye si Sanya noon at mahusay na raw itong gumanap.
Thankful naman si Marian sa GMA Network, na nakatatlong taon na ang kanyang hino-host na OFW documentary, ang Tadhana na ngayong buwan ng November ay nagsi-celebrate ng third anniversary nila.
Nagpapasalamat din si Marian na pinayagan siyang sa bahay lamang nila itini-tape ang mga spiels ng bawat episode ng Tadhana, na ginagawa niya at ang asawang si Dingdong ang nagdidirek sa kanya.
Ang first anniversary episode ay may two parts na magsisimula ngayong hapon (November 7), titled “The One That Ran Away” na tampok sina Paolo Contis, Edgar Allan Guzman, Kim Molina, Dave Bornea, at matatapos sa November 14, bago ang Wish Ko Lang sa GMA 7.
Ang second episode naman ay sa November 21 and 28, titled “55 (Hindi Pa Huli Ang Umibig)” nina Cherie Gil, Jon Lucas, Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez, at Cecil Paz. Parehong dinirek ni Rember Gelera ang dalawang episodes.
*****
PINUSUAN ng mga netizens ang unang gabi ng airing ng fresh episode ng Philippine Adaptation ng Descendants of the Sun last Thurday, November 5.
At tiyak na isa rito ay ang eksenang bumalik sa Urdan sina Capt. Manalo (Dingdong Dantes) at Sgt. Ramos (Rocco Nacino), habang nangyayari ang earthquake sa lugar at kailangan nilang mailigtas at matulungan ang medical team sa pangunguna ni Dr. Maxine (Jennylyn Mercado), na naiwanan nila roon, kahit gabi na.
Ang ganda ng shot ni Direk Dominic Zapata na nasa itaas pa ng ere ang helicopter na sinasakyan nila, ay nakabitin na silang dalawa at bumaba sila sa mismong medical cube na nanggagamot na ang medical team sa mga nasaktan sa lindol. Iba’t ibang drama ang makikita sa eksenang iyon sa pagitan ng mga doctor at mga pasyente.
Patuloy na subaybayan ang mga fresh episodes gabi-gabi, at 9:20PM, pagkatapos ng Encantadia. Huwag ding kalimutan na every Friday, simula sa November 13, ay mapapanood na ang mga episodes ng Descendants of the Sun PH sa Neflix. (NORA V. CALDERON)
-
Deployment ng nurses sinuspinde ng POEA
Pansamantalang sinuspinde kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ng mga new hire nurses, nursing aides, at nursing assistants sa ibayong dagat. Ito’y matapos umanong maabot na ang 5,000 annual deployment ceiling. “Pursuant to POEA Governing Board Resolution NO. 17, Series of 2020 on the lifting of the moratorium […]
-
Slash price ‘yun na ka-presyo ng parking slot… CARLA, nilinaw na hindi P2M lang ang binebentang posh condo unit
KLINARO ni Carla Abellana na hindi totoong P2M ang presyo ng pag-aaring condo unit sa may The Grove by Rockwell na matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Pasig City. Matatandaang pinost ni Carla ang kabuuan ng video ng unit niya noong Pebrero 28 para ipakita sa pubiko dahil ibinebenta na niya ito o […]
-
SCI-FI THRILLER “65” UNLEASHES BRAND NEW TRAILER
65 million years ago, humans arrived on Earth. Who will survive when Past meets Future? From the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi, comes the epic action thriller 65, starring Adam Driver. Check out the brand new trailer below and watch the film exclusively in cinemas across the Philippines this March. YouTube: https://youtu.be/EtE4QM8oMvk […]