PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.
Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ang una nang naging arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno sa Kamara de Representante.
Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ay nasa hanay ng mga miyembro ng Kongreso kasabay ng pagpapahayag ng pasubali na walang dahilan para mamagitan sa ngayon ang Presidente sa dalawang Kongresista.
“Wala po tayong kinalaman diyan bagama’t ang paghalal ng Speaker ay desisyon po iyan ng mga miyembro ng Kamara, so hindi po nanghihimasok diyan ang Presidente sa ngayon,” ayon kay Sec. Roque.
Magugunitang, nagkaroon ng term sharing agreement sina Cayetano at Velasco na pinagtibay ng dalawa bilang gentleman’s agreement.
Kung masusunod ang kasunduan ng dalawa, dapat maupo bilang bagong Speaker of the House si Velasco kapalit ni Cayetano sa darating na Oktubre 18. (Daris Jose)
-
‘Delayed’ allowance ng mga athletes, coaches makukuha na – PSC
Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na malapit nang matanggap ng mga atleta at mga coach ang kanilang monthly allowance matapos ang ilang delay. Pahayag ito ng PSC kasunod ng naging panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go na ibigay na dapat ang allowances ng mga athletes at coaches. Ayon kay PSC Commissioner Ramon […]
-
COMELEC, MAGSASAGAWA NG EN BANC MEETING
MAGKAKAROON ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Feb.9 . Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez magsisilbing isang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite. “That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng […]
-
Singil ng kuryente para sa buwan ng Hulyo, ibinababa ng Meralco
NAG-ANUNSYO ang Meralco ng pababang pagsasaayos sa mga singil sa kuryente para sa Hulyo, kasunod ng mga sunod-sunod na buwan ng pagtaas, habang bumababa ang mga singil sa generation at transmission period. Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na ibababa nito ang rates ng P0.72 kada kilowatt-hour (/kWh), na magdadala sa kabuuang rate […]