• January 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi bahag ang buntot at hindi duwag nang umatras sa debate kay Carpio; Panelo, hinamon ng debate si Carpio

HINDI kaduwagan o pagka-bahag ng buntot ang ginawang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa debate nito kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.

 

Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kumalat sa Twitter na hashtag #DuterteDuwag.

 

Sa halip kasi na si Pangulong Duterte ang makipag-one-on-one debate kay Carpio ay inatasan nito si Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang makipag-debate kay Carpio hinggil sa usapin ng pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS).

 

Sa commentary show ni Panelo na “Counterpoint,” sinabi nito na walang kabuluhan kay Pangulong Duterte na makipag-debate kay Carpio lalo pa’t binigyang linaw na nito ang kanyang posisyon sa Philippines’ long-standing disputes sa China ukol sa WPS.

 

“Sabi ko naman sa inyo, hindi kaduwagan iyan. Unang-una, wala na ngang pagdedebatehan. Masyadong klaro eh. Klarong-klaro ang posisyon,” ang pahayag ni Panelo.

 

Aniya pa, ang patuloy na “word war” sa pagitan nina Pangulong Dutere at Carpio ay maaari nang ikunsidera na “debate” dahil na rin sa palitan ng mga ito ng kanilang iba’t ibang posisyon sa usapin ng WPS.

 

“Noong sinabi ni Presidente, iba ang aking naiisip. Hindi naghahamon si Presidente ng debate. Bakit pa siya maghahamon ng debate? Eh nagdedebate na nga in a way,” ani Panelo.

 

Matatandaang si Pangulong Duterte ang unang naghamon ng debate kay Carpio na pinatulan lamang ng huli na may kinalaman sa territorial issues ng WPS.

 

Magkagayon man, inanunsyo ni Sec. Roque na hindi na kakasa ang Pangulo sa debate matapos na payuhan ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

“Sa media mileage, palaging panalo na yung lalaban sa Presidente. Kita mo presidente madedebate mo, hindi ho ba?,” anito.

 

Samantala, maliban kay Sec. Roque, hinamon naman ni Panelo si Carpio ng debate.

 

Maaari rin naman siyang makipag-debate kay Carpio kung tatanggapin ng huli ang kanyang hamon.

 

Giit nito sila na lamang dalawa ang magharap sa debate dahil “no match” naman si Carpio kay Pangulong Duterte dahil hindi naman sila “same rank, same intelligence, and same status.”

 

“Eh president ito ng bansa, eh ito wala, retired na ito eh,” ani Panelo.

 

“Kung gusto mo tayo na lang magdebate,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin

    Inaanyayahan ng ­Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.     Ayon kay CESU chief Dr. Rolando […]

  • RODERICK, tatanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award

    HANDA nang parangalan ng PMPC ang mga natatanging pelikulang ginawa noong panahon ng pandemya gayundin ang mga artista at mga tauhan sa likod ng produksyon sa 39th Star Awards for Movies na gaganapin sa Nobyembre 24.     Pawang award-winning na mga aktor ang magtutunggali para sa Movie Actor of the Year na kinabibilangan nina […]

  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]