PDu30, hindi ine-endorso si Robredo — Matibag
- Published on March 16, 2022
- by @peoplesbalita
WALA ni isa mang presidential candidate na ine-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang kanyang “successor.”
Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte sa nakalipas na linggo na nais niya na isang “compassionate, decisive, and a good judge of a person preferably a lawyer,” ang susunod na Pangulo ng bansa.
Sa 10 presidential hopefuls na naglalaban-laban sa May elections, tanging sina Vice President Leni Robredo at Jose Montemayor Jr. ang mga abogado.
“All I can say is there’s no endorsement coming from the president for Vice President Leni Robredo to be elected as the president,” ayon kay Cabinet Secretary Melvin Matibag.
“The president is setting up standards. He mentioned general standards of what our next president should have. It just so happened that candidate lawyers, dalawa lang sila na kandidatong lawyers,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, nananatiling neutral si Pangulong Duterte at ang ruling party, Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay wala pang desisyon sa kung sino at kaninong kandidatura ang kanilang susuportahan.
“Sinabi naman ni presidente that he will remain neutral. As of now, he’s neutral. Wala pa rin siyang binabanggit. Even sa partido namin, wala talaga kami pang sinasabi kung sino ang dadalhin ng partido,” ang pahayag ni Matibag.
Matatandang sinabi ng Chief Executive na maaaring bumoto ang mga mamamayang filipino ng isang Ilocano leader na nais nilang maupo sa Malakanyang.
Tanging si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang Ilocano sa presidential race.
Gayundin, ibinahagi ni Matibag na may mga presidential candidates ang nagpahiwatig ng kanilag intensyon na makausap ang liderato ng PDP-Laban at si Pangulong Duterte.
“Personally, meron mga nakakarating talaga sa’min na pasabi ng pakikipag-usap. Not only [Manila City] Mayor Isko [Moreno],” ayon kay Matibag.
“Actually, you’ll be surprised that most of the—if not all, most of the presidential candidates [want] to talk to the party and to the president,” dagdag na pahayag nito sabay sabing maging si Senador Manny Pacquiao ay nagpaabot din ng kanyang intensyon na makipag-usap sa liderato ng partido at kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Ads October 6, 2021
-
APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS “KILLERS OF THE FLOWER MOON” KEY ART, AND SETS GLOBAL THEATRICAL RELEASE FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED FEATURE FILM
APPLE Original Films today unveiled the key art for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon,” and announced that the film will open wide, in theaters around the world, in partnership with Paramount Pictures, starting October 18. Following its global theatrical run, the film will debut on Apple TV+. Starring a cast led […]
-
FROM TRAILER TO MOVIE: DIRECTOR ELI ROTH TALKS ABOUT MAKING HIS SLASHER-HORROR MOVIE “THANKSGIVING”
FOR director Eli Roth, his journey for the Thanksgiving movie started in 2006, when his friends Quentin Tarantino and Robert Rodriguez were working on their double feature Grindhouse. To add to the double-feature experience, Tarantino asked his friends – including Roth – to create fake trailers that would appeal to the Grindhouse […]