• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi papayagan na makapag-operate ang ABS-CBN

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan na mag-operate ang ABS-CBN kahit pa bigyan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang Lopez-owned network.

 

Ang katwiran ng Pangulo, kailangan munang bayaran ng Lopezes ang kanilang buwis bago ipilit na makapag-operate.

 

Malaking kalokohan aniya na kaagad na payagan ng Kongreso ang network na makapag- operate nang hindi man lamang binabayaran ang obligasyon nitong buwis sa gobyerno.

 

“It’s like you gave them a prize for committing a crime,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Plano kasi ng Kongreso na ibalik ang prangkisa ng Lopezes na para sa Pangulo ay wala naman siyang problema kung nais ng Kogreso na ibalik ang operasyon ng ABS-CBN.

 

“But if you say that they can operate if they already have it, no. I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na ang tinutukoy ay ang National Telecommunications Commission.

 

“Unless in a deal, the Lopezes would pay their taxes, I will not — I will ignore your franchise, and I will not give them the license to operate,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • “DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO” OPENS AT NO.1 IN U.S. WITH $21-M

    AUGUST 22, 2022 — Dragon Ball Super: SUPER HERO topped the U.S. box office in its opening weekend, shattering expectations by summoning an impressive $21 million in North American ticket sales. The anime film is being distributed in North America by Crunchyroll, which specializes in anime film and television. “We’re absolutely thrilled that ‘Dragon Ball’ fans could […]

  • WHO, kinilala ang magandang vaccination rollout ng Taguig City

    Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout.     Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw.     Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa […]

  • Serena Williams bumagsak ang ranking sa WTA

    BUMAGSAK ang rankings ni US tennis star Serena Wiliams sa WTA rankings.     Base sa inilabas na WTA rankings ay nasa pang-59 na puwesto ang 40-anyos na si Williams.     Ito ang unang pagkakataon mula noong 2006 na hindi nakasama sa top 50 ang US tennis star.     Nasa unang puwesto si […]