• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hinikayat ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad

HINIKAYAT ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i- report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipsters  ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan.

 

Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang petty graft ay  “perpetuated almost everywhere” ng ilang corrupt employees sa gobyerno.

 

“Iyong mga nasa window ng business permit, ‘yang mga clearances, papahirapan ang tao kaya ang sabi ko sa inyo, if you want to earn money, good money, ‘pag maganda ang kaso, malaki ang lugi sa gobyerno, report it to the person that you trust without giving your name and number,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“Ang hinihingi ko lang ang opisina at kung magkano, ako na ang mag-follow-up at tsaka ‘yong medyo maliliit, P10,000,” dagdag na pahayag nito.

 

Binalaan naman ng Punong Ehekutibo ang mga mamamayan na tigilan ang  corrupt practices sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

“Huminto talaga kayo maski ngayon lang. Next administration, fine, balik kayo sa dati, wala akong pakialam pero sa ngayon, ‘wag kayo maghinanakit, ‘wag kayo magalit sa akin kasi ako galit din sa inyo,” anito.

 

Sa kabilang dako, binasa naman ni Pangulong Duterte ang ilang pangalan mula sa listahan na sinibak at nahaharap sa kasong administratibo dahil sa maling gawain.

 

Subalit binigyang diin nito na isisiwalat niya ang pangalan ng mga ito sa susunod na linggo.

 

Bagama’t naisapubliko ang ilang pangalan ng mga kurakot na opisyal at empleyado ay tikom naman ang bibig ng Pangulo sa pangalan ng mga kongresista na sangkot sa corrupt practices na may kinalaman sa proyekto sa kani-kanilang distrito.

 

Aniya, hindi niya papangalanan ang mga ito  dahil nabibilang ang mga ito sa “co-equal branch” ng pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, pinanindigan na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 sa bansa

    PINANINDIGAN ng Malakanyang na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa lahat ng variants ng coronavirus sa bansa.   Kabilang na rito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang Chinese vaccine Sinovac, na lumabas na pabago-bago sa findings ng Food and Drug Administration (FDA).   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa […]

  • METRO MANILA, 7 PANG LUGAR, NAKA-GCQ PA RIN HANGGANG IKA-31 NG DISYEMBRE

    SIMULA Disyembre 1  ay isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa  General Community Quarantine (GCQ) ang Davao del Norte.   Mananatili naman sa GCQ ang Metro Manila, Davao City, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur at Iligan City simula sa nasabing Disyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2020.   Sa public address ni Pangulong  […]

  • Ateneo, La Salle muling magtutuos!

    MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.     Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa […]