• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, hiniling sa MMDA na bilisan ang pag- aaral ukol sa inilatag na panukala ng ahensiya

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag- aaral at mula doon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang.

 

 

Ayon sa Chief Executive, tinutumbok aniya niya rito ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area.

 

 

Batay sa inilatag na proposal ng MMDA kay Pangulong Duterte, nais nilang magkaruon ng Elevated Walkway para sa mga tao at Bicycle Lane upang mahikayat ang mga ito na maglakad o magbisikleta na lamang papunta sa trabaho at makabawas sa magdadala ng sasakyan.

 

 

“At panghuli po, ito po ‘yung aming proposal, medyo ambitious, pero dahil it will entail large expenditure on the part of government, ito po ‘yung Elevated Walkway and Bicycle Lane Project kung saan maglalagay po tayo — nagpo-propose po kami na maglagay tayo ng walkway para po sa mga tao at bicycle lane. Ito po ay para ma-encourage ang mga tao na maglakad or magbisikleta na lamang papunta sa trabaho dahil kung safe po at convenient ito pong ating walkway and bicycle lane, sa amin pong palagay makakabawas po ito sa magdadala ng sasakyan, at instead, maglalakad na lamang po at — or gagamit ng bisikleta,” paliwanag ni Artes.

 

 

Maliban pa aniya rito ang panukala na odd- even scheme. (Daris Jose)

Other News
  • Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan

    Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.     Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na […]

  • Lalaking wanted sa Valenzuela, nakorner sa Batangas

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng 32-anyos na construction worker na nahaharap sa mabigat na kaso sa korte ng Valenzuela City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtaguang lugar sa lalawigan ng Batangas. Unang hinanting ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban si alyas “Freddie” sa  kanyang tirahan sa San Jose Del Monte, […]

  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]