• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito.

 

 

Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto.

 

 

Kaya ang hiling ng Pangulo sa mga mamamayang Filipino ay makinig sa mga medical professionals na patuloy na humihikayat sa lahat na magpabakuna na pati na ng kuwalipikado ng makatanggap ng booster shots.

 

 

Aniya pa, napansin din niya ang pagtitipon- tipon ng mga tao kaya’t kasama rin sa inapela nito ang pagsunod sa mga minimum health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

 

Kaya ang pakiusap ng Pangulo ay huwag sanang balewalain ng ipinatutupad na mga panuntunan lalo’t may ipinagpauna ng baka magka-surge ng mid-May.

 

 

Sa kabilang dako, sa harap ng halos nagkakaisang projection ng mga eksperto na tumama ang COVID surge sa darating na mid- May, naniniwala naman ang OCTA Research na kaya pa ring maiwasan ito.

 

 

Sinabi ni Dr Ranjit Rye ng OCTA sa Laging Handa Public briefing na bagama’t nakaamba ang banta, puwedeng pa rin itong mapigilan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards.

 

 

Ikalawa, ang pagbakuna lalung-lalo na aniya ang pagpa-booster gayong siyensya na aniya ang nagsabi na kapag nagpa-booster ay nadadagdagan ang proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

Sa paglalarawan nga ni Rye, vaxx to the max na ang dapat ikasa lalo’t mayroong mga bagong sub-variants na nasa ibang bansa na maaari rin namang makapasok sa bansa.

 

 

Ikatlo sabi ni Rye ay ang kahandaan ng mga LGU na bagama’t hindi maiiwasang magkaroon ng pagtaas sa kaso ay kaya namang mapigilan ang pagsipa at hindi mauwi sa surge na nangyari nitong January. (Daris Jose)

Other News
  • MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?

    Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagka antala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka”.     Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang pag “freeze” ng pag-release ng […]

  • P764-M halaga ng mga bagong kagamitan, ibinida ng PNP

    PINANGUNAHAN ni PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang blessing ceremony para sa mga bagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP).       Asahan na rin na mas mapapalakas pa ng Pambansang Pulisya ang kanilang capabilities dahil sa mga bago nilang kagamitan.     Tinatayang nasa P764 Million ang halaga ng mga […]

  • Quiapo Church, nanawagan sa mga deboto na makiisa sa “localized traslacion” ng Poong Hesus Nazareno

    Nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na makiisa sa “localized traslacion 2021” sa halip na dumagsa sa Quiapo church.     Inihayag ni Rev.Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Basilica na ginawang localized ang Traslacion ngayong 2021 bilang pag-iingat sa banta ng corona virus. […]