PDu30, iginiit ang Asia-Europe partnership para sa mas malakas na socioeconomic recovery
- Published on November 30, 2021
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtutulungan ng Asya at Europa para sa inclusive socioeconomic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality” upang matugunan ang hamon na bitbit ng coronavirus (COVID-19) pandemic.
Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa Second Plenary Session ng 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Malakanyang, araw ng Biyernes, Nobyembre 26.
Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang pagkagambala na dala ng COVID-19 pandemic sa vulnerable countries, binanggit din ng Pangulo ang salungat na pakinabang sa economic growth at poverty reduction habang ang nangyayaring recovery mula rito ay tila unequal o hindi pantay.
“COVID-19 has affected us all, but the recovery is unequal. This cannot be attributed only to lapses in domestic policy, but also to structural constraints in the global economy,” ayon sa Pangulo.
“We need more multilateral action to address these constraints. Our ultimate goal is to speed up more economic exchanges and people mobility in the new normal,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Dahil dito, muling nanawagan ang Pangulo para sa pagpapatuloy ng negosasyon ng Free Trade Agreement (FTA) kasama ang European Union (EU).
Ayon sa Pangulo, “robust economic relations between the Philippines and the EU will lift millions of Filipinos out of poverty.”
Hiniling naman nito sa regional bloc na bigyan ang mga Filipino ng “chance at a life of dignity.”
Hinikayat din ng Chief Executive ang ASEM partners na i- renew ang kanilang suporta para sa bukas at patas na trading system sa ilalim ng World Trade Organization (WTO).
Inulit din ng Pangulo na kahalagahan ng pagpapatuloy ng safe cross-border travel para buhayin ang ekonomiya.
Ipinanukala rin ng Pangulo na i- adopt ang scientific, non-discriminatory, at World Health Organization (WHO)-compliant framework ukol sa vaccine certificate recognition.
Muling nanawagan ang Pangulo para sa “equal vaccine access” at binigyang diin na ang geopolitics ay walang gampanin sa vaccine availability at supply.
Tinukoy din ng Pangulo na ang mga ASEM stakeholders ay kailangan na hindi lamang tumutok sa recovery kundi dapat ay ituon din ang pansin sa “preparedness and resiliency.”
Ang 13th ASEM Summit ay nag-adopt ng 3 outcome documents na kinabibilangan ng ASEM13 Chair’s Statement, Phnom Penh Statement on the Post-COVID-19 Socio-Economic Recovery, at Way Forward on ASEM Connectivity.
Itinatag noong 1996, ang ASEM ay isang informal platform para sa political dialogue at cooperation, kung saan ay pinagsama ang 53 partners. Kinabibilangan ito ng 51 partner countries at organizational partners, ang EU at ang ASEAN. (Daris Jose)
-
Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP
Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic. Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara […]
-
Mojdeh handa na para sa World Cup
HANDANG-handa na si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh para sa prestihiyosong 2024 World Aquatics (WA) Swimming World Cup na gaganapin sa tatlong magkakahiwalay na venues. Pangungunahan ni Mojdeh ang kampanya ng national swimming team sa naturang world meet na magtatampok ng pinakamatitikas na swimmers sa buong mundo. Isa ang […]
-
Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek
NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay. Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com. “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]