• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inakusahan ang UP ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista

INAKUSAHAN ni Pangulong  Rodrigo  Roa Duterte ang University of the Philippines (UP) ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista.

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay reaksyon sa panawagan na  academic strike ng mga estudyante ng  Ateneo de Manila University (ADMU).

 

“‘Yung mga eskwelahan, UP, fine. Maghinto kayo ng aral, I will stop the funding. Wala nang ginawa itong ano kundi mag-recruit ng mga komunista diyan,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang public address, Martes ng gabi.

 

Gayunman, ang  mga  Ateneans at hindi ang mga  UP students ang nanguna na manawagan ng academic strike bilang pagprotesta sa  “criminally neglectful” ng pamahalaan pagdating sa typhoon at pandemic response.

 

Sa kalatas ng grupo ng mga estudyante sa ADMU ay nakasaad dito na  nangangako silang  iwi-withhold ang pagsusumite ng kahit na anumang school requirements simula kahapon Miyerkules, Nobyembre 18.

 

“You are taking the cudgels of the poor ahead of your time. That is not your worry, that is the worry of government,” ayon sa Pangulo.

 

“I suggest to you, stop schooling until mabakunahan lahat ng Pilipino. You resume your duty and you wait for another typhoon and see if the help that we extend is enough to your satisfaction,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

Pinabulaanan naman ng UP Los Baños, ang  “propaganda” video na nagdadawit sa kanilang mga estudyante sa communist organizations. (Daris Jose)

Other News
  • 15% senior discount sa kuryente, tubig

    LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento  ng mga senior citizen na may  bayarin sa tubig at kur­yente.     Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan […]

  • PH, China balik- ‘negotiating table’ para sa nabiting proyekto

    BALIK -negotiating table ang China  at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang  infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.     Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang  Chinese Embassy […]

  • 2 pushers kulong sa baril at shabu

    Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher). […]