PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo
- Published on April 14, 2021
- by @peoplesbalita
MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.
Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.
“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana,” anito.
Aniya pa, ang kanyang hometown ay ang Davao City at malaya siyang umuwi anumang oras na kanyang gustuhin.
Binigyan diin ng Pangulo na hindi siya kailangan gumamit ng public funds para sa kanyang pagbyahe.
Sinagot din ng Pangulo ang mga banat sa kanya matapos na magpalabas ng larawan at video si Senador Christopher “Bong” Go kung saan siya ay nag-jogging, nag-golf, at nag-motorbike-riding para itama ang chismis ukol sa kanyang kalusugan.
Giit ng Punong Ehekutibo, walang masama at mali sa page-enjoy sa kanyang hobby sa ‘wee hours of the day’, lalo na’t hindi naman niya kinukuha ang oras ng sambayanang Filipino.
“Pero kung sabihin mo na may sakit ako ngayon to prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho. Kaya ako nakaka-swing ng golf (club), tapos nagmo-motor, kasi kaya ko pa. The problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Gabi ‘yun, ano ba naman. Sa araw makita mo ako nag-golf…sabihin may problema,” anito.
“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Nauna rito, pinalagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na may sakit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t hindi ito nakita ng publiko ng dalawang linggo.
Binasura rin ni Sec. Roque ang panawagan na ipalabas ang medical bulletin ng Pangulo.
“Ang (a) medical bulletin is only given when the President is sick; and he is not sick,” ayon kay Sec.Roque.
Nananatili aniyang “fit at healthy” ang Pangulo sa kanyang edad na 76.
Sinabi pa ni Sec.Roque na ginawa ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang desisyon nitong weekend hinggil sa quarantine status ng Metro Manila at iba pang lugar.
Siya rin ang nag -“supervised” ng COVID-19 vaccine rollout.
“Ang assumption n’yo po, kinakailangan magpakita para patunay na nagtatrabaho ang Presidente. Hindi po ganoon ang istilo ng ating President,” anito.
“Hindi na po niya kinakailangan ipagmayabang sa publiko na siya ay nagtatrabaho. Ang taumbayan naman ay naniniwala naman na on top of the situation ang President, even if hindi niya pinangangalandakan ito sa taongbayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, binuweltahan naman ni Sec. Roque ang mga kritisismo na ang Pangulo sa mga nakalipas na araw ay nagpakita ng proof of life subalit wala namang proof of work; marami ang napapaulat na namamatay dahil sa Covid subalit ang Pangulo ay nakikitang nagmo-motor at naggo-golf.
“Alam ninyo po ang Presidente walang iniisip kung hindi iyong mga problema ng bayan. So may mga iba kasi nagpapakita lang ‘pag sila’y nagtatrabaho, iyong mga para lang mapakita purposes ‘no. Pero alam naman natin ang Presidente natin 24 hours, 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po,” anito. (Daris Jose)
-
Bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno upang humupa ang inflation – Salceda
BINIGYANG- DIIN ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa ngayon upang mapahupa ang inflation sa bansa. Pahayag ito ni Salceda matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong […]
-
Accreditation ng City Garden Grand Hotel sinuspinde ng DOT
Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng City Garden Grand Hotel sa loob ng anim na buwan. Napatunayan kasing iligal na tumatanggap ng mga guests ang naturang hotel para sa leisure activities, kahit pa isa itong quarantine facility sa kasalukuyan. Binawi rin ng DOT ang certificate of authority to operate ng […]
-
Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara
NAGPULONG na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang paghahanda para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27. Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie […]