• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN

INAMIN ni  outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang  “mandaraya.”

 

 

“Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino” dagdag na pahayag nito sa kanyang naging talumpati sa oath-taking ng mga lokal na opisyal sa kanyang  hometown sa Davao City.

 

 

Sa talumpati pa rin ng Pangulo, mayroon ding itong mga pahayag sa ibang negosyo na nagsasamantala sa mga Filipino.

 

 

Matatandaang, Mayo ng taong 2020 nang  magpalabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN na iniuutos ang pagtigil ng operasyon ng kompanya matapos mapaso ang prangkisa nito.

 

 

Sa direktiba, inutusan ng NTC ang network na itigil ang kanilang mga TV at radio operation habang wala pa itong karampatang prangkisa.

 

 

Hulyo ng taong 2020 pa rin nang ibasura ng Kamara ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa nito.

 

 

Nasa 70 mambabatas ang bumoto pabor sa resolusyon ng binuong technical working group na nirekomendang huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, kumpara sa 11 na tumutol dito.

 

 

Samantala, dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain.

 

 

Nagmula ang mga mambabatas sa House committee on legislative franchises at mga lider ng Kamara na ex-officio members.

 

 

Labing-dalawang beses humarap sa Kamara ang mga opisyal ng ABS-CBN para manawagan ng bagong prangkisa na makapag-operate alang-alang sa 11,000 manggagawang nakadepende sa network. (Daris Jose)

Other News
  • C-Stand, NorthPort malakas – Ravena

    KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1.   “Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and […]

  • ‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata

    Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa  pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar.     Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar kasabay ng paa­lala sa mga magulang na kailangan pa rin […]

  • Para sa travel and lifestyle show na ‘#MaineGoals’: MAINE, kinabog ang mga kalaban sa 27th Asian Television Awards

    CONGRATULATIONS to phenomenal star Maine Mendoza!      Nagbunga ang pagiging professional ng actress/host, na kahit noong panahon ng pandemic ay tuluy-tuloy pa ring nagti-taping ng kanyang travel and lifestyle show na #MaineGoals sa BuCo Channel, for two seasons.     Si Maine kasi ang napiling Best Entertainment Presenter/Host for #MaineGoals, sa katatapos na 27th Asian […]