PDu30, ipinaalala sa DoH na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners
- Published on August 23, 2021
- by @peoplesbalita
PINAALALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III ang naging kautusan niya rito na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners sa gitna ng may ilang grupo ang nagpopotesta dahil sa pagkakaantala ng bayad sa kanila.
Sinabihan din ng Pangulo ang Kalihim na bayaran ang mga vaccinators na boluntaryong nakiisa sa COVID-19 inoculation program ng gobyerno.
“Unahan na lang kita. May pera man sabi nga, ang pera obligated na… Babayaran lahat ‘yung nagrereklamo na frontliners about their allowances, about whatever, pati…itong mga volunteers na nagbakuna,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Sabado.
“I am now ordering, this is now an order, Secretary Duque. Bayaran mo. Use whatever money there is. Bayaran mo ang mga hinihingi ng nurses both in government and those outside of our government na volunteers,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte sa DoH na iprayoridad ang pagbabayad sa mga allowance at iba pang benepisyo na nararapat sa mga health worker sa gitna ng protesta ng ilang grupo dahil sa naantalang pagbabayad.
Sa ulat, may ilang grupo ng mga health workers mula sa mga government hospital at private institution ang nagrereklamo ng non-release ng kanilang special risk allowance at pagtanggal ng kanilang benepisyo gaya ng meal and transportation allowance sa kabila nang patuloy nilang pagiging mga frontliner sa laban kontra COVID-19.
May ilan naman na ang nagbanta ng mass leave dahil sa tila pagbabalewala ng pamahalaan sa kanilang kalagayan.
Tinatayang nasa P15 bilyong piso ang nakalaan para sa special risk allowance at hazard pay ng mga health worker mula sa Bayanihan 2 law, ayon naman kay Undersecretary Leopoldo Vega.
Sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na titignan niya ang nasabing ulat na may ilang health workers ang hindi pa nababayaran hanggang sa ngayon.
Nauna rito, nagtakda ang Senate Blue Ribbon Committee ng pagdinig sa umano’y nadiskubre ng Commission on Audit (COA) sa pangangasiwa ng DOH sa P67.32 bilyong pondo para panlaban sa COVID-19.
Para naman kay Vega, marami sa “major findings” ng COA ay naresolba na.
“Kapag ang COA nagsabi sa deficiency, ‘di mo masabi na ninakaw mo ang pera, deficiency is really in producing the necessary documents,” ayon sa Pangulo.
“Alam ninyong emergency ito, it is a matter of life and death so you have to understand and give it a little elbow room to move. Make emergency purchases, kung wala, mag-utang kayo, ito utos ko sa lahat sa gobyerno, especially connected with COVID. Hindi ako papayag you do everything you can, mamatay ka, nakita mo yung frontliners, tapos wala kang ibigay na suporta,”dagdag na pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)
-
DOJ buo ang tiwala sa NBI kaugnay inihaing laban kay Teves
BUO ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr. Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag-aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw […]
-
DBM: 4.4 MILLION HOUSEHOLDS, MAKIKINABANG SA P106 BILYONG PONDONG INILAAN PARA SA 4PS
NAGLAAN ang pamahalaan ng ₱106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa. Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary […]
-
Baclao ayos sa Meralco
SOLB na si Siverino ‘Nonoy Baclao, Jr. sa pagbabalik sa Meralco sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9. Maski hindi pa nakapaglaro sa Bolts taong 2020, pinagkalooban ng kuryente ng contract extension ang 33-year-old, 6-foot-5 big man na produkto ng Ateneo de Manila Univerity-Quezon City. Ginamit […]