• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.

 

Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik ang normal na pamumuhay ng mga naapektuhan matapos ang matinding paghagupit ng bagyong Odette na nag-iwan ng matinding pinsala sa ilang lugar sa bansa noong nakaraang linggo.

 

Sinasabing si bagyong Odette, na may international name na Rai, ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa ngayong taon.

 

“Nagbigay din ng dagdag na direktiba si Pangulong Duterte sa mga ahensya, katulad ng paggamit ng mga Quick Response Funds nila; pagbibigay ng housing assistance, including provision of housing materials for repair of damaged houses; tulong para sa nasirang mga bangka ng mga mangingisda at iba pang agricultural machineries; repair ng mga nasirang gusali, tulay, paliparan, daungan, kalsada at iba pa,” ayon kay Go.

 

Maliban dito, ipinag-utos din ng Pangulo ang paghahanda ng community tents na magsisilbi bilang pansamantalang evacuation centers; at maging ang karagdagang pagkain, tubig at gamot para sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

“Inihanda na rin ang MARINA, Philippine Navy, Coast Guard, Army, Air Force at iba pang frontliners para tumulong sa rescue and recovery operations at masigurong makakarating ang mga relief items, equipment at essential personnel sa mga apektadong lugar,” ayon kay Go.

 

“Naka-deploy na rin ang mga available vessels tulad ng ‘BRP Ang Pangulo’ para magsilbing floating hospital sa Dinagat Islands at Siargao Island. Magpapadala rin kaagad ang DOH (Department of Health) ng dagdag na mga gamot, medical equipment at health personnel para maalagaan ang kalusugan ng evacuees,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Duterte ang Negros Occidental para personal na tingnan ang sitwasyon sa lalawigan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 15, 2022

  • 2 DRUG SUSPECTS NALAMBAT SA HIGIT P.9M SHABU

    Dalawang drug suspects ang  nalamabat ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.   Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas na ang pagkakaaresto kay Albert Ryan Pascual, 45 […]

  • Taong 2022 target ng pagbubukas ng MRT 7

    Target ng conglomerate na San Miguel Corp. (SMC) na siyang nangagasiwa sa proyekto na buksan ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) sa katapusan ng taong 2022.     “Given the progress today and all the major milestones we’re expecting this year and the next, I think we’re confident we can achieve […]