PDu30, ipinagkibit-balikat lang ang pambabatikos ng “dating mahistrado” hinggil sa drug war
- Published on June 17, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pambabatikos at paninira ng isang “dating mahistrado”, at paglalarawan sa kanyang giyera laban sa ilegal na droga bilang “clearly unconstitutional.”
Bagama’t hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang tinutukoy niyang “dating mahistrado”, matatandaan na kamakailan lamang ay kinumpara ni retired Supreme Court (SC) senior justice Antonio Carpio ang nangyaring pagpatay sa mga drug suspects sa pagpatay sa mga langaw.
“If it’s unconstitutional, so be it. I will do it. I don’t give a sh*t if you have to know,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati matapos inspeksyunin ang main campus ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Pinalagan naman ni Pangulong Duterte ang naging pahayag ni ‘dating mahistrado’ na hindi kaya ng gobyerno na maging malambot sa pagsisikap nitong walisin ang illegal drug trade sa bansa.
“Mayroong isang torpe na ex-justice. Unconstitutional daw ‘yung drug war. E sabi ko ‘Adre, magkaiba ang libro natin’ You must have the wrong theories about humanities and all…Subukan mo dito sa trabaho ko,” ayon sa Chief Executive.
Aniya, maaaring maraming academic accomplishments si Mr. ex-justice subalit wala namang ideya ito sa drug war situation “on the ground” sa bansa.
“Para sa akin, bugok ka . You are a scholar. I know you’re from Davao, bright ka, valedictorian ka, okay ka. Pero hindi ‘yan pwede. In reality, you have to come to terms with what is actually happening on the ground,” dagdag na pahayag nito.
Ipinagtanggol naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang drug war, iginiit na hindi niya inutusan ang law enforcement authorities na ” kaagad na barilin at patayin ang mga drug suspects” maliban na lamang kung malalagay sa panganib ang kanilang buhay.
Muling inulit naman ng Pangulo na aakuin niya ang “full legal responsibility” para sa kanyang anti-narcotics campaign hangga’t ang mga awtoridad ay umaakto na naaayon sa kanilang tungkulin.
“All you have to do, sabihin mo, ‘Sino nag-utos ‘sayo’? Sabihin mo si Duterte. Nobody can question my love of country,” ayon pa rin sa Pangulo.
Nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi niya inutusan ang mga pulis na saktan o patayin ang mga inosente.
“I never said go out and do a shooting spree and kill all the human beings…only those who will destroy my country. And in doing drugs, sisirain mo talaga,” anito.
Samantala, kinastigo naman ni Pangulong Duterte ang human rights groups para sa kanilang “concern” hinggil sa pagpatay sa mga drug suspects, halata naman aniya na hindi naman intersado ang mga ito pagdating sa mga pagbabanta sa buhay ng mga pulis, military, at mga sibilyan.
“Have you ever considered the welfare of the country as against the criminals that I kill?” tanong ng Pangulo. (Daris Jose)
-
5 drug suspects nabingwit sa Navotas buy bust
NALAMBAT ng pulisya ang apat na hinihinalang drug persobalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kina […]
-
1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas
NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk […]
-
Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO
TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw. Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO ang 600,000 pang piraso ng plastic cards na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards. Aniya, ang […]