PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre 24, 2020.
Si PA Evasco ay hindi na bago sa Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon.
Ang pagiging pamilyar nito sa kasalukuyang burukrasya ay makapag-aambag sa kanyang bagong gawain na i- streamline ang government processes sa Ehekutibo.
“Welcomer back, PA Evasco,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Samantala, kinumpirma rin ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay Ramon Pereyra Jacinto bilang Presidential Adviser for Telecommunications, na may ranggo na Kalihim noong Nobyembre 25, 2020.
Si PA Jacinto ay nagsilbi sa Duterte Administration sa iba’t ibang kapasidad.
Siya ay naging dating Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology at pagkatapos at naging Undersecretary ng Department of information and Communications Technology.
“We are therefore confident that PA Jacinto would ably and effectively discharge his duties in this new assignment,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Ads October 4, 2024
-
Truck ban, suspendido sa loob ng 2 -week ECQ sa NCR
SUSPENDIDO ang ipinatutupad na truck ban sa Kalakhang Maynila sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na layon nito na maging dire-diretso ang delivery […]
-
Ads February 18, 2020