PDu30, kinukunsidera ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.
Nauna na kasing nabanggit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kinukunsidera ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador para patuloy siyang (Pangulo) na makapagtrabaho para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.
“As far as I know, wala pa pong final na desisyon but as Sen. Bong Go said, he is considering it,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“He is considering; pinag-aaralan niyang mabuti. Kung makakatulong ba sa bayan…he might. Kino-consider n’ya po ‘yung pagtakbo,” ayon naman kay Go sa isang panayam.
Tinitingnan aniya ng Pangulo ang bilang at tinitimbang ang mga dahilan bago pa siya tuluyang magdesisyon kung tatakbo nga ba o hindi sa pagka-senador.
“Siyempre tinitingnan din niya ‘yung slate ng administration ng PDP-Laban. Kung makakatulong siya na mas maraming mananalo sa part ng administration, iyon ang kino-consider,” ani Go.
Napaulat na hinikayat ng ruling party PDP-Laban Cusi wing si Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador matapos na umatras na tumakbo bilang bise-presidente sa dahilang nais na niyang magpahinga sa politika.
Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Go na nakatakdang magpulong ang PDP-Laban officials bago ang Nobyembre 15 para isapinal ang kanilang mga kandidato para sa eleksyon sa susunod na taon.
Giit naman ni Go na hindi na magbabago ang kanyang isip na tumakbo bilang bise-presidente.
Samantala, tiniyak naman ni Go na patuloy na magta-trabaho si Pangulong Duterte para i-promote at protektahan ang kapakanan ng mga mamamayang Filipino.
“Sa mga kababayan natin, asahan n’yo po na kung sakaling magdesisyon po ang ating Pangulo na tumakbo bilang senador, asahan n’yo po uunahin niya siyempre kung papaano siya makakatulong at makapagpatuloy na makapagserbisyo sa ating mga kababayan at paano niya maisusulong at ipagpatuloy ‘yung mga programang naumpisahan na po niya na hindi pa po natatapos… gusto niya pong tapusin,” ayon kay Go.
“Importante po sa kanya ngayon is malampasan muna natin itong pandemya, itong krisis na ating kinakaharap, at makakatawid na po tayo sa ating normal na pamumuhay,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!
HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam. “Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo […]
-
Malabon, nakahanda sa bagyong “Nika”
NAKAHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa posibleng banta na dala ng Tropical Storm “Nika” at sa iba pang kalamidad, kasabay ng pagtanggap nito ng mga bagong rescue boats mula sa Mang Ondoy Rescue Hub. Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Konsehal Edward Nolasco ang pagtanggap ng 21 rescue boats, kabilang rito ang isang […]
-
Inilabas lang ang galit at baka ‘di na kayanin: KEN, first time mag-rant dahil sa ka-close na sinisiraan siya
PAREHONG passionate ang pagsuporta at pangangampanya ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta. Si Jolina ay ilang campaign rally na rin ng tandem nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang pinuntahan niya at madalas, kasama nilang mag-asawa ang dalawang anak na sina Pele at Vika. Si Mark naman, as […]