PDu30, kinunsiderang palitan sa puwesto si Customs chief Rey Guerrero
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
UMAMIN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang ikinunsidera na palitan na si retired general Reynaldo Guerrero bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC).
Subalit nilinaw ng Pangulo na hindi ito dahil sa korapsiyon kundi dahil sa ipinagkakaloob nitong tiwala sa mga taong hindi naman dapat pagtiwalaan.
Special mention dito ng Pangulo si BOC Chief of Staff Teodoro Jumamil na para sa kanya ay matagal na niyang sinabi kay Guerrero na alisin sa puwesto dahil corrupt.
“Well, I was considering — Jagger, I was considering of replacing you not because of anything. I can vouch na malinis ka. Problem is ‘yung — do not entertain loyalties especially in government. If you think that that idiot is going to destroy you, you destroy him first,” ayon sa Pangulo.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na may hawak na dalawang posisyon si Jumamil, isa aniya sa DBP at empleyado rin ng Customs Bureau.
Giit ng Pangulo na hindi dahil sa nakatulong sa kanya si Jumamil ay magpipikit mata na siya sa mga ginagawa nito na aniyay matagal ng namamayagpag at sisira kay Guerrero.
Walang duda ayon sa Pangulo na malinis si Guerrero na ang kailangan ngayon ay tulong sa Customs.
Bukod sa PHILHEALTH, BOC naman ang pinasisiyasat ni Pangulong Duterte sa DOJ kaugnay ng sinasabing namamayagpag pa ding katiwalian sa ahensiya. (Daris Jose)
-
Nakaka-relate dahil sa struggle na hinaharap ni ICE: LIZA, humanga rin sa katapangan ni JAKE na mag-post kahit bina-bash
KUNG marami ang nam-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya ng topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya. Isa na nga sa masaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño. “I admire him and […]
-
Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM
WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance. “Yes now, prominent are the […]
-
Baloaloa, 4 pa lagas sa Angels via free agency
NASA limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Jeanette Panaga, at Jonah Sabete ang naglaho sa team dahil sa pagiging free agent. Sa isang social media post ng Petro Gazz nitong isang araw lang, pinasalamatan ng team ang naging serbisyo ng tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy […]