PDu30, kumpiyansa na ang kanyang successor ay magko-‘commit’ na tuldukan ang problema sa ilegal na droga
- Published on April 4, 2022
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang susunod na Pangulo ng bansa ay masigasig din na itigil ang malaganap na ilegal na droga sa bansa.
Ito’y bunsod na rin ng pag-aalala ng Pangulo sa posibleng muling pagkabuhay ng ilegal na droga matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.
“Paalis na ako , but I’m worried. I’m not saying that basig mudaog — kinsay mudaoag nila nga (I’m not saying that whoever wins is) incompetent or not the person who would… Kay kaning droga either paghawa nako, mubalik ni, mubalik gyud ni (Because once I step down, the drugs situation may come back. It will really come back) and it’s entering our shores,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.
Aniya, malalagay sa gulo ang bansa kapag lumala ang problema nito sa ilegal na droga.
Kaya umaasa siya na ang kanyang magiging successor ay magiging masigasig na maglunsad ng giyera laban sa ipinagbabawal na gamot.
“I am not saying that anyone of them or all of them are incompetent. Masyadong paghambog iyan pero ang ano ko lang , if they are really as committed as me in fighting the insurgency and the drug problem of our country. ‘Yun lang ang worry ko,” aniya pa rin.
Marso 21 nang sabihin ni Pangulong Duterte na makikipag-dayalogo siya sa kanyang successor upang pag-usapan ang drug menace na patuloy na namamayagpag sa bansa.
May kabuuang P76.01 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa buong bansa simula nang ikasa ang giyera sa ipinagbabawal na gamot noong Hulyo 2016, ayon sa pinakahuling Real Numbers data na ipinalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.
Tinatayang 14,648 high-value targets ang naaresto, “as of February 2022.”
Pumalo naman sa 331,694 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga awtoridad.
Sa gitna ng walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga, muling inulit ng Pangulo ang kanyang pangako na protektahan ang mga police officers na ginagampanan ang kanilang tungkulin bitbit ang batas para sa anti-drug operations.
“Do your duty. If mademanda ka, sabi ko, I am behind you lalo na dito sa droga ,” ayon sa Pangulo sabay sabing “The police have the assurance that I will be there to protect them and to assume the full legal responsibility para sa inyo .”
Nito lamang Martes, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensiya na magsumite ng report sa mga human rights groups at International Criminal Court (ICC) ng mga nakukumpiska nilang iligal na droga sa bansa.
Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na tone-toneladang iligal na droga kabilang na ang mga shabu at marijuana ang pumapasok sa bansa na sumisira ng buhay ng mga Pilipino.
Kasunod nito, pinayuhan ng pangulo ang mga kritiko na pag-aralan ang sitwasyon ng droga sa Pilipinas bago batikusin ang administrasyon.
Kamakailan, inilunsad ng International Coalition for Human Rights in the Philippines ang kampanya para hikayatin ang foreign governments na magpataw ng sanctions kay Pangulong Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan dahil sa paglabag umano sa karapatang pantao.
Samantala, binigyang diin ni Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na “false” at “rehashed” ang AI report ukol sa drug war ng administrasyong Duterte. (Daris Jose)
-
Gobyerno, pinag-aaralang mabuti kung paano imo-motivate ang LGUs para tugunan ang malnutrisyon
PINAG-AARALANG mabuti ng national government kung paano bibigyan ng insentibo ang local government units (LGUs) sa laban nito sa malnutrisyon. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP), isang collaborative effort sa pagitan ng Philippine government at World Bank na naglalayong paghusayin ang nutritional […]
-
Dahil sa P10 milyong halaga ng libro na pinondohan ng OVP… VP Sara, Hontiveros nagsagutan sa budget hearing
NAGKASAGUTAN sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon. Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni […]
-
ILANG KALYE SA CALOOCAN, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, Caloocan City simula 12:01am ng Setyembre 3 hanggang 11:59pm ng Setyembre 9, 2021. […]