• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, maayos ang kalusugan; regular ang swab test

TINIYAK ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na muling nagpositibo sa Covid-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Nakasama kasi ng Pangulo ang Kalihim sa isang pulong sa Davao City noong Agosto 10.

“Okay po ang Pangulo. Regular po ang kanyang swab test kasi mas maraming swab test masakit ang pagtusok sa ilong pero batid po ng Pangulo na kinakailangan po na pangalagaan ang kanyang buhay,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Bukod dito. required aniya sa mga papasok ng Davao City batay na rin sa kautusan ni Davao City Mayor Sara Duterte na magpapa-swab test.

“So, the President is fine,” ani Sec. Roque.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Sec. Roque na naka-self isolation siya ng limang araw at magpapa-PCR test.

Iyon ay dahil nakasabay nya kasi sa eroplano si Año.

At kahit kasama at kasabay nila ang Pangulo sa eroplano ay wala naman itong closed contact sa alinman sa kanila lalo na kay Año.

Siniguro rin ni Sec. Roque na nakasuot sila ng face mask at face shield.

” Naka-perpetual isolation po si Pangulong Duterte. 6 feet away po kami kay Presidente. Regular po ang kanyang PCR test,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Nauna ritos habang nasa kasagsagan ng pag-aaral ang IATF at National Task Force Against COVID-19  para madesisyunan kung papalawigin pa o luluwagan na ang umiiral na quarantine protocol sa Metro Manila ay iniulat na maging ang  Department of the Interiors and Local Government Secretary   na siyang co-chairman nito ay positibo sa coronavirus.

Kinumpirma mismo ni Año na muli siyang nagpositibo sa COVID-19.

Sabado ng gabi, Agosto 15, nang matanggap aniya niya ang resulta na positibo siya muli sa nakahahawang sakit.

Sa statement na inilabas ng kalihim, noong Agosto 13 nakaramdam siya ng flu-like symptoms gaya ng sore throat at pananakit ng katawan kaya agad siyang ng self-quarantine at nagpa – swab test noong Biyernes

Mahigpit na tinututukan ngayon ng mga doktor ang kalihim habang habang naka-isolate ito.

Ayon sa kalihim,  ginawa niya ang pahayag  para ipaalam sa lahat ng kaniyang nakasalamuha na sumailalim din sa self-quarantine, bantayan kung makararanas ng sintomas at sundin ang DOH guidelines.

“I also make this announcement to emphasize the severity of the virus, and to encourage everyone to wear a mask, wash their hands frequently, and practice social distancing. By adhering to these guidelines, we can all help keep our loved ones and our community safe,” paalala ng kalihim.

Matatandaang Marso 31, 2020 nang unang tinamaan ng COVID-19 ang kalihim at nagnegtibo noong Abril.

Naniniwala ang kalihim na posibleng na- expose siya muli kaya tinamaan siya ng Covid-19 virus.

Inihayag ng kalihim wala naman siyang nararanasang sintomas kaya tuloy-tuloy lamang ang kaniyang trabaho.

Aniya, sa pamamagitan ng video conference lamang siya dumadalo sa mga pagpupulong.(Daris Jose)

Other News
  • Nagsisisi na ibinoto nila kaya ito nag-number one: Sen. ROBIN, binatikos ng BBM fanatics dahil ‘di sinama sa mga pinasalamatan

    SANA kasing ingay nang pagbabalik sa sinehan ng Jurassic World Dominion ang maging kapalaran ng upcoming local movie na Ngayon Kaya na bida sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.     Sana kung gaano ka-excited ang audience na panoorin ang Hollywood flick tungkol sa dinosaurs ay ganoon din ka-excited ang mga Pinoy na panoorin ang […]

  • PNP Chief hinimok ang publiko magsuot ng face shield

    Hinikayat ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang publiko na magsuot pa rin ng face shield bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Kagabi, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa loob at labas ng tahanan o mga gusali matapos matuklasan ng Department of Health […]

  • Dream come true para sa senador: Anak nina BONG at LANI na si LOUDETTE, ganap nang doktora

    ISA na namang bonggang tagumpay ang ipinagdiriwang ng pamilya Revilla ngayon, sa pangunguna ng power couple na sina Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla!   Ito ay pagiging ganap nang doktora ng kanilang anak na si Loudette Bautista, sa pagpasa nito sa 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa […]