• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, magiging abala sa trabaho sa Malakanyang hanggang bago mag- Christmas break

WALANG pahinga at mananatiling sabak sa trabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang bago mag- Christmas break.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nitong pagkakaabalahan niya ang tambak na mga dokumento na kailangang basahin at pirmahan.

 

Ang dalangin lang ng Pangulo ay wala sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil siguradong  hahanapin siya ng publiko.

 

Aniya, ito na ang pinakamatagal niyang ginawang pamamalagi sa Malakanyang.

 

Karaniwan naman sa Pangulo na mamalagi sa Davao tuwing araw ng Pasko at bumabalik na lang sa Maynila ng Bagong Taon.

 

Sa kabilang dako, ang pangako naman ng Punong Ehekutibo ay  magbibigay siya ng talk to the people tuwing araw ng Lunes para malaman ng taong bayan ang ginagawa ng pamahalaan kontra Covid -19.

 

“So sa mga kababayan ko, medyo naibigay ko na ‘yung input sa inyo sa mga araw na ‘to. I’ll be back every Monday ata. So nandito ako. I’ll stay here for the longest time before Christmas. Sana huwag na magkabagyo-bagyo. Hanapin na naman tayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Christian Bale Reveals Surprising Influences For His Villain, Gorr In ‘Thor: Love & Thunder’

    CHRISTIAN Bale reveals the surprising influences behind his villain, Gorr the God Butcher, in Thor: Love and Thunder.     After first being introduced in 2011’s Thor, Chris Hemsworth’s titular God of Thunder would go on to star in two additional solo films as well as a number of Avengers team-up movies. Thor: Love and […]

  • Roque: walang pruweba na mag-uugnay kay pdu30 sa Davao Death Squad

    WALANG pruweba na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa vigilante killings sa kanyang bayan sa pangunguna ng Davao Death Squad (DDS).   Nauna na kasing sinabi ng International Criminal Court’s  (ICC) pre-trial chamber na nakikita nito ang ugnayan sa pagitan ng patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang nationwide war laban sa illegal […]

  • LRT 1 Cavite Extension 94 % kumpleto

    INAASAHAN ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT 1, na matatapos ang LRT 1 Cavite Extension sa 2024 at magiging operasyonal sa huling quarter ng 2024.       Sa ngayon, ang konstruksyon ng 6.7- kilometer Phase 1 ay 94.1 porsiento ng tapos parehas sa civil at system works.     […]