• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, mas pipiliin ang Sinopharm vaccine

MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s Covid-19 vaccine.

 

“He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential pokesperson Harry Roque.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers.

 

Gayunpaman, hindi siya malalapatan ng Sinovac’s Covid-19 vaccine dahil hindi ito inirerekumenda sa mga senior citizens.

 

Ang Food and Drug Administration (FDA), na nagbigay ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay nagpahayag na ang nasabing bakuna ay maaari lamang ibigay sa mga clinically healthy individuals sa pagitan ng 18 hanggang 59 taong gulang.

 

Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon.

 

Matatandaang may mga close-in security detail si Pangulong Duterte ang binakunahan ng Sinopharm vaccine noong nakaraang taon sa kabila ng kawalan nito ng emergency use authorization mula sa FDA, ang pag-amin ni Presidential Security Group commander Brig. Gen. Jesus Durante III.

 

Ang nasabing bakuna ay sinasabing donasyon lamang.

 

Sinabi ng Pangulo na wala siyang kamalayan na ang kanyang security detail ay nabakunahan na.

 

Nauna rito, mismong si Pangulong Duterte ang nagbunyag sa publiko na naturukan na ng Sinopharm vaccine ng China ang ilang miyembro ng PSG.

 

Nagpalabas naman ng compassionate use license ang FDA para sa 10,000 doses ng Sinopharm vaccine dahil na rin sa kahilingan ng PSG.

 

Ang Sinopharm ay pharmaceutical firm na pinatatakbo ng Chinese government. (Daris Jose)

Other News
  • QC nagkaloob ng P100M para sa EDSA busway ramps

    Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nagkaloob ng P100 million para sa konstruksyon ng elevated ramps sa kahabaan ng EDSA.   Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos matapos ang ginawang inspection sa Balintawak market noong makalawang araw.   Ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public […]

  • 576,352 kabuuang bilang ng virus

    Mula sa 2,921 kahapon, bahagyang bumaba sa 2,113 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Ang nasabing oras ay halos kasabay […]

  • Pagbabagong-bihis sa gabinete ni PBBM, nagbabadya matapos ang appointment ban

    NAGPAHIWATIG na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakaroon ng bagong-bihis ang kanyang gabinete sa oras na matapos na ang appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa.     Nakatakda kasing magtapos ang appointment ban sa Mayo 9, 2023.     Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng […]