• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAFFY, nagalit at binawi ang mga tulong sa dating live-in partner ni SUPER TEKLA

“YUNG pustiso mo sana naging gilagid pa, ‘yung renta sana, ngayon matutulog ka sa lupa. Ewan ko sa’yo bahala ka kung saan ka maghahanap ng matitirhan, hindi ko na rin ibibigay ang groceries kasi baka ibenta mo ang ipambili mo ng droga,” ito ang diretsong sabi ni Raffy Tulfo kay Michelle Lhor Bana-ag nitong Martes ng gabi.

 

Umatras na kasi ang dating live-in partner ng komedyanteng si Super Tekla na magpa-drug test gamit ang kanyang buhok o tinatawag na hair follicle drug test.

 

Ang dahilan ni Michelle, “Pinagalitan po ako ng tita ko sir Raffy kasi po may binat pa raw po ako kaya huwag ko raw po muna ipagalaw ang buhok.”

 

Natawa si Raffy, “Michelle, Michelle, mukhang sinunog mo ang sarili mo sa akin, mabibinat ka? E, ang gagawin naman sa 70 to 100 strands of hair na ‘yun hindi bubunutin bagkus ay guguntingin lang na sinabi sa ‘yo ng staff kahapon palang di ba? Paano ka mabibinat doon? Hindi naman hihilahin ang mga buhok mo kundi gugupitin lang.”

 

Muling ipinaalala ni Raffy kay Michelle na may nagtanong na netizen na kung sasalang pa siya sa lie detector test at drug test dahil nga nagka-ayos na sila ni Tekla.

 

“Sabi ko hindi na, pero naghamon ka, sabi mo gusto mo magpa-hair follicle drug test to prove to them na inosente ako, blah, blah. Ikaw ang naghamon, remember? Sabi ko, you don’t have to pero sige pagbibigyan kita. Sabi ko, aba matapang ito at mukhang nagsasabi ng totoo.

 

“Nag-offer ako ng mga tulong remember, pustiso, bayad sa rent, 4 months’ advance, groceries, etc. Now, umaatras ka?” seryosong tanong kay Michelle.

 

At nangatwiran nga si Michelle na suggestion daw iyon ng tita niya pero willing naman daw niyang gawin iyon pa rin.

 

Pero tablado na siya kay idol Raffy, “hindi na Michelle! Hindi mo lang sinunog ang sarili mo sa akin kundi nag-dive ka sa dagat na umaapoy. It’s very clear sa akin na this is indication to me na meron ka talagang itinatago, you’re lying.

 

“Kasi alam mo kapag sa ’yo rin, kaya mong iwasan, pero dito (hair follicle drug test) up to 90 days, malalaman kung gumagamit ka pa rin o hindi. Ikaw ang naghamon, now, ‘yung palusot mon a sinasabi ng tita mo o auntie mon a mabibinat ka, that’s bullshit!”

 

Dagdag pa, “Hindi ako duktor pero I know for a fact na walang kinalaman na ikaw ay mabibinat kapag ikaw ay ginupitan ng buhok at ikaw ay nanganak 4 months ago. Alam mo, lusot ka na sana kahapon, binigyan kita ng gracefull exit Michelle.

 

“Alam mo ang graceful exit? ‘Yung pag exit na hindi ka napahiya sa akin. Kahit binabanatan ka na ng mga netizen, sa akin, hindi ka pa rin totally napahiya.”

 

At si Michelle ay ire-refer na rin sa DSWD para sila na ang mag-assess kung karapat-dapat niyang alagaan ang mga pamangkin niyang mga bata pa.

 

“Very clear kasi sa akin na mukhang gumagamit ka pa rin (droga), huwag kang umiyak, ‘wag mo akong dramahan. Kung gumagamit ka pa rin, hindi ka dapat mag-alaga ng mga bata.

 

“Kaya pupunta ang taga- DSWD para malaman nila kung gumagamit ka pa o hindi na, at kapag nalaman, ipu-pull out ang mga bata kasi wala kang kakayahan mag-alaga,” seryosong sabi ni Raffy.

 

At maging ang anak niyang si Angelo ay ibibgay na rin kay Tekla kapag napatunayang gumagamit pa rin si Michelle.

 

“Kahit na umiyak ka pa ng dugo, wala na akong pakialam sa’yo. Hindi na, hindi mo na ako madadala, nahuli na, pandoras box ‘ika nga,” diin ni sir Raffy. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • Bigyan ng authority ang mga LGUs na direktang makipagnegosasyon sa sa mga COVID-19 vaccine manufacturers

    Umapela si League of Provinces of the Philippines National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., sa pamahalaan na bigyan ang mga LGUs ng malinaw na authority para direktang makipagnegosasyon sa mga COVID-19 vaccine manufacturers.    Ayon kay Gov. Velasco, ama ni Speaker Lord Allan Velasco, batid naman niya na kailangan dumaan ang mga local […]

  • TNT sa bingit ng nawawalang playoffs sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon

    Naghukay ang TNT ng mas malalim na butas sa nanginginig nitong kampanya sa PBA Commissioner’s Cup.   Kasunod ng 140-108 kabiguan na dinanas nila sa mga kamay ng mga lider ng Bay Area Dragons, ang Tropang Giga ay nahaharap sa mabigat na gawain na kailangang manalo sa kanilang huling laro sa eliminations at umaasa na […]

  • Inamin na marami siyang natutunan: AWRA, nagsalita na rin tungkol sa kinasangkutang gulo sa isang bar

    PAGKATAPOS ng kanyang pananahimik, nagsalita na rin si Awra Briguela tungkol sa kinasangkutan niyang gulo noon sa isang bar sa Poblacion, Makati.   Ayon sa 20-year-old for child actor, kaya na niyang pag-usapan ang nangyari kaguluhan noon. Nangyari ang pagkuwento ni Awra sa vlog ni Vice Ganda na “My SpaghetTEA with Awra”.   Inamin ni […]