• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado

MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga  old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan.

 

 

“Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, pero ‘yung iba matagal na, palitan na ninyo,” ayon Kay Pangulong Duterte sa

 

 

idinaos na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) campaign rally sa Caloocan City.

 

 

Pinaalalahanan niya ang mga botante na pumili ng karapat-dapat na  political bets na mayroong “puso” sa pagsisilbi sa bayan.

 

 

Marami kasing mga kandidato na nakalimutan na ang mga tao kapag nahalal na.

 

 

“Kung gusto mo lang ng ambition, manalo ka, poporma-porma but you do nothing for the six or three years that you are elected. Marami diyan sa kanila. Why don’t you just pick people na nakilala na o pinakilala sa inyo,” aniya pa rin

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang kandidato na kanyang ie-endorso ay kailangan na taglay ang kalidad bilang karapat-dapat na maupo sa puwesto.

 

 

“Hindi ako kukuha ng kandidato na corrupt o kandidato na masama ang ugali o hambog. All of them are really subdued and humble,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’

    TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng […]

  • MAHIGIT 15 MILYONG PINOY ‘DI PA REHISTRADO SA PHILHEALTH

    KINUMPIRMA ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na mahigit sa 15 milyong Pinoy ang hindi pa nakarehistro sa kanilang tanggapan.   Ayon kay PhilHealth Vice-President Oscar Abadu Jr., hanggang nitong Setyembre 2020 ay nasa 94.9 milyon o 86.1% ng populasyon ng bansa, ang miyembro na ng state insurer habang nasa 15.2 milyon […]

  • Beach volleyball team ng bansa magsasanay sa Australia

    NAKATAKDANG magtungo sa Brisbane, Australia para magsanay ang beach volleyball teams ng bansa.     Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), binubuo ito ng 12 manlalaro kung saan anim na babae at anim na lalake.     Tatagal ng hanggang dalawang linggo ang nasabing training.     Sinabi naman ni PNVF president Ramon ‘Tats’ […]