MAHIGIT 15 MILYONG PINOY ‘DI PA REHISTRADO SA PHILHEALTH
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na mahigit sa 15 milyong Pinoy ang hindi pa nakarehistro sa kanilang tanggapan.
Ayon kay PhilHealth Vice-President Oscar Abadu Jr., hanggang nitong Setyembre 2020 ay nasa 94.9 milyon o 86.1% ng populasyon ng bansa, ang miyembro na ng state insurer habang nasa 15.2 milyon pa aniya ang hindi pa rin rehistrado.
Gayunman, sa ilalim aniya ng Universal Health Care law, lahat ng Pinoy, na ngayon ay nasa 110.9 milyon na ang populasyon ay awtomatikong sakop na ng PhilHealth.
“Under Section 5 of the law, all Filipinos should be covered … Also, what we are aiming to achieve in the next few months is that all few months is that each and every Filipinos is registered with a primary care provider,” pahayag pa ni Abadu.
Aniya pa, ito rin ang magiging entry point ng lahat ng mamamayan upang magkaroon ng mas mataas na antas ng probisyon ng pangangalaga,
-
Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor
MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy. Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat […]
-
PDu30, opisyal nang pinagbawalan ang mga Cabinet officials na dumalo sa Senate Pharmally probe
OPISYAL nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga opisyal at empleyado ng executive department na tigilan na ang pagdalo sa Senate investigation ng P8 billion medical supply na binili ng pamahalaan mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ang kautusan ay ipinalabas sa pamamagitan ng October 4 memo na tinintahan ni Executive Secretary Salvador […]
-
PDu30, binalaan ang NPA
“What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin” Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado. “They do not have ideology. Wala na […]