• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete

LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo sa National Immunization Technical Advisory Group o NITAG.

 

Aniya, sa kaso nila ay mayroon naman talaga silang exposure lalot nag- iikot- ikot sila ngayong umaarangkada na ang inoculation sa ibat- ibang mga lugar.

 

Sinabi pa ni CabSec Nograles na dito aniiya nag- aalala ang Presidente kaya’t nag- usisa na ito kung may naka- schedule na bang bakuna sa mga miyembro ng gabinete.

 

“Work in progress” na ayon kay CabSec Nograles ang usapin na ang desisyon ay nasa hurisdiksiyon ng NITAG. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 7, 2023

  • Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans

    NANANATILING  malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.     Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para […]

  • Sangley Airport muling sasailalim sa bidding

    Gustong muling buksan ng provincial government ng Cavite ang bidding ng proyektong Sangley Point International Airport (SPIA) sa mga interestadong kumpanya matapos na terminuhin ang nasabing airport deal.     Ang SPIA ay dati pa na binigay ang airport deal sa kumpanya ni Lucio Tan na MacroAsia Corp. at ang China Communications Construction Co. Ltd […]