• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30 nagpabakuna na!

Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi  si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go.

 

 

Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.

 

 

Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte na ginawa sa Malacañang.

 

 

Sa kaliwang braso tinurukan ang Pangulo habang nakamasid si Go.

 

 

Kinumpirma rin ni Go na pumayag ang mga doktor ng Pangulo na mabakunahan ito.

 

 

“I feel good and I have been expecting this shot, vaccination a long time ago. Sinopharm itong tinuturok sa akin,” ani Duterte.

 

 

Hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang Sinopharm na gawa sa China pero meron itong compassionate use permit na hiniling ng Pre­sidential Security Group.

 

 

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo.

 

 

“This confirms that PRRD received his first dose tonight of the Sinopharm anti-Covid 19 vaccine. His first dose was covered by the Compassionate Use Permit issued to the PSG hospital by the FDA,” ani Roque. (Daris Jose)

Other News
  • PLM tops Physician Licensure Exam, alumnus lands 5th place

    The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) celebrates the strong performance of its alumni from the College of Medicine who passed the October 2021 Physician Licensure Examination.     PLM logged the highest passing rate among all medical schools with a 98.06% passing rate, as 101 of its 103 test takers making the cut.   […]

  • 80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

    Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.     Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at […]

  • DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’

    MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye.     Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love […]