PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System.
Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang.
Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito.
Kasabay naman ng Punong Ehekutibo na nagparehistro sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.
Agosto 2020 nang lagdaan ni Pangulong Duterte upang maging isang ganap na batas ang Philippine Identification System Act.
Sa isang simpleng seremonya sa Malacañang ginawa ang paglagda sa batas na sinaksihan ng mga opisyal ng Senado at Kamara.
Ipinaliwanag ng Pangulo na layunin ng nasabing batas na magkaroon ng single national identification system para sa mas maayos na transakyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.
Tiniyak din ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang privacy ng mga Pinoy hindi tulad ng National ID Bill na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.
May inisyal na P2 Billion na pondo ang Philippine Identification System Act na nakapaloob sa 2018 national budget.
Naunang tinutulan ng mga militanteng grupo ang pagsasabatas sa national I.D dahil sa pangambang gagamitin ito ng pamahalaan laban sa mga kritikal sa kasalukuyang administrasyon . (Daris Jose)
-
Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K
HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko […]
-
DATING PULIS, INARESTO NG NBI
ISANG dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan. Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation. Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan […]
-
Ads September 11, 2024