• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa ‘Agaton’-hit Baybay City

KAHIT Biyernes Santo o Mahal na Araw ay nagsagawa pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang aerial inspection sa Baybay City, lalawigan ng Leyte, isa sa mga lugar sa Eastern Visayas na hinambalos ng Tropical Depression Agaton ngayong linggo.

 

 

Kasama ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go, na lumapag sa Ormoc City.

 

 

Nakipagkita rin ang Pangulo sa mga opisyal ng concerned government agencies at local government units para i-assess ang danyos o pinsala at bisitahin ang one-stop center para sa mga indigent patients, ang Malasakit Center, sa Western Leyte Provincial Hospital.

 

 

Ang Baybay City ay inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil smassive landslides at pagbaha na dahilan ng pagkamatay ng mahigit 100 katao.

 

 

Ang kabuuang bilang ng namatay na naiulat sa lugar na matinding tinamaan ni “Agaton” ay umabot na sa 137, ayon sa 8 a.m. report na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, araw ng Biyernes.

 

 

Sa nasabing bilang, may 128 katao ang mula sa Eastern Visayas, anim naman ang mula sa Western Visayas, at tatlo mula sa Davao region.

 

 

Naapektuhan din ang 2,068 barangay sa Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Tinatayang 65,130 pamilya naman ang nananatili sa evacuation centers.

 

 

May kabuuang 75 lungsod at munisipalidad ang nakaranas ng power interruption. Naibalik pa lamang ang suplay ng kuryente sa 11 lugar.

 

 

Sa kabilang dako, may 9,266 kabahayan naman ang naiulat na labis na napinsala sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

 

 

Tinatayang pumalo na sa P186,632,976.31 ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccksksargen, at BARMM.

 

 

Ang pinsala naman sa imprastraktura ay umabot na sa P2.96 milyon sa Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at BARMM.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na mahigpit na naka-monitor ang executive branch sa situwasyon sa mga typhoon-hit areas, at maging sa “response efforts” ng pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • MANILA CHIEF INQUEST PROSECUTOR, INAMBUSH PATAY

    PATAY ang Manila Chief Inquest Prosecutors matapos tambangan ng hindi nakikilalang gunman sakay ng isang kulay itim na Sports Utility Vehicle sa Paco Maynila.   Sa inisyal na report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5, kinilala ang biktima na si Jovencio Senados y Bagares, 62 at taga Blk 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, […]

  • ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

    AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.     Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang […]

  • DSWD, bigong maipamahagi ang P1.9-B SAP subsidy – COA report

    AABOT umano sa 1.9 billion ang halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy ang bigong maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisaryo ng naturang ayuda base sa latest report mula sa Commission on Audit (COA).     Sa 2021 annual audit report ng COA sa DSWD, nakasaad na ang […]