PDu30, nagsimula nang magligpit ng gamit; hinahanda na ang sarili bilang private citizen sa Davao
- Published on May 31, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSISIMULA nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City.
Nakatakda na kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.
Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake ng kanyang mga gamit para ilipat sa kanyang tahanan sa Davao City upang manatili sa kanyang retirement bilang pribadong mamamayan kapiling ang kanyang pamilya.
Sa pagbaba ni Pangulong Duterte sa kanyang tanggapan ay kaagad siyang papalitan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na iproklama ito ng Kongreso noong nakaraang linggo.
Sinabi ng Chief Executive na ginawa niya ang lahat para sa mga mamamayang Filipino at sa bansa sabay sabing sa nakalipas na anim na taon ay ginawa niya ang kanyang “best efforts”, handa naman siyang humingi ng paumanhin kung kulang pa iyon. (Daris Jose)
-
MGA HEALTH WORKERS, NAGSAGAWA NG KILOS PROTESTA
MULING nagsagawa ng kilos protesta ang samahan ng health workers sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day. Tinawag na Black Hearts Day Protest ang nasabing pagkilos na pinangunahan ng Alliance of Health Workers Naglakad ang mga health workers na pawang mga nasa pampubliko […]
-
COVID-19 allowance ng health workers, tuloy – PBBM
PATULOY na tatanggap ng COVID-19 allowance ang mga health workers kahit matapos na ang state of calamity sa bansa dahil sa pandemya, base sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nag-expire ang state of calamity noong Disyembre 31, 2022. “Tuluy-tuloy ‘yan… ‘Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para […]
-
Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD
HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses. Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito. Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]