PDu30, nagtalaga ng bagong Court of Appeals justice
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang associate justice ng Court of Appeals (CA).
Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President.
Si Justice Ong, nanumpa sa kanyang tungkulin, araw ng Biyernes, Enero 21, kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa session hall ng Korte Suprema, pinalitan nito si retired Associate Justice Ma. Luisa Q. Padilla.
Si Ong, mula sa Davao City, ay nagkaroon ng law degree mula sa Ateneo de Manila University.
Ang appointment papers ni Ong ay ipinadala ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea kay Chief Justice Gesmudo. (Daris Jose)
-
Yulo swak sa World Championships sa UK
MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England. Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar. “Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese […]
-
South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa North-South Commuter Railway (NSCR) System. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang contract signing ng SCRP ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo […]
-
Robredo: ‘Dapat matapos ang pagbabakuna sa lahat ng Pilipino bago mag-2023’
Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na sikaping mapabilis ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa buong populasyon ng bansa. Pahayag ito ng pangalawang pangulo matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na posibleng abutin pa ng 2023 bago maturukan ng bakuna ang lahat ng Pilipino. “Dapat […]