PDu30, nananatili pa rin ang ‘full trust and confidence’ kay Sec. Villar
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
NANANATILI ang “full trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar sa kabila ng alegasyon ng korapsyon sa departamento.
Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte, sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na may bahagi ng pondo ng DPWH ang nagamit para ibigay sa ilang katao na hindi naman niya pinangalanan.
“Full trust and confidence po [si Presidente] kay Secretary Villar dahil despite the corruption in DPWH, naka-deliver po si Secretary Villar,” ayon kay Presiden- tial Spokesperson Harry Roque.
Ang bilyonaryong pamilya ni Sec. Villar ang nagmamay-ari ng real estate empire.
Sa kabilang dako, committed naman si Pangulong Duterte na walisin ang korapsyon sa DPWH at state medical insurer PhilHealth.
At sa tanong kung paiinbestigahan ng Pangulo ang DPWH gaya ng ginawa nito sa PhilHealth, ay sinabi ni Sec.Roque na : “Posibleng gawin po iyan pero hayaan na po muna natin iyan dahil sa ngayon po nakatutok pa sa PhilHealth ang Presidente.”
Matatandaang inakusahan ng whistleblowers ang mga opisyal ng PhilHealth nang pambubulsa ng P15 billion sa state funds, at pag-apruba sa overpriced projects at reimbursement sa mga pinaborang ospital.
Isang task force ang binuo ni Pangulong Duterte kung saan ay inirekumenda ang pagsasampa ng kaso laban kina dating PhilHealth CEO at President Ricardo Morales at iba pang opisyal. (Daris Jose)
-
Ads December 9, 2020
-
Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021. Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List. Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green […]
-
Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday
UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda. Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]