PDu30, nanawagan ng mas malalim na pagkakaisa kontra Covid- 19
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mas malalim na pagkakaisa ng lahat ng bansa para labanan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang patuloy naman na hinaharap ang banta ng terorismo.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay bahagi ng kanyang naging talumpati sa 2020 Aqaba Process Virtual Meeting on Covid-19 Response na ang nag-host ay si Jordanian King Abdullah II.
Sa dalawang-oras na virtual meeting, nanawagan ang Chief Executive ng “more openness, deeper solidarity, and stronger cooperation among nations” para mapadali ang economic recovery at epektibong malabanan ang terorismo at violent extremism.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na ang lahat ng bansa kabilang na ang Pilipinas ay nakikipaglaban ng kaparehong “invisible menace”.
“Our urgent common response was to close down borders and impose limits to mobility and trade. The repercussions, as we are seeing now, are grim and far-reaching. We have economies in recession, institutions in crisis, and societies in state of uncertainty,” ayon sa Pangulo.
Giit ng Punong Ehekutibo na habang ang Pilipinas ay abala sa pagtugon sa pandemiya ay sinasamantala naman ng mga terorista na makapaghasik ng kasamaan sa bansa.
“Local terrorist groups, such as the Abu Sayyaf, the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, and the New People’s Army of the Communist Party of the Philippines, are exploiting the situation to serve their nefarious ends,” anito.
Gayunpaman, sinabi ng Pangulo na nalutas ng Pilipinas ang paglaban nito sa terorismo sa mas pinalakas na pamamaraan.
“Now, more than ever, our resolve is stronger: We will not let up in our fight against terrorism. And we will not allow Covid-19 to bring our people to their knees,” aniya pa rin.
Ani Pangulong Duterte, hindi dapat pinalalampas ng mga lider ang pagkakataon na bumuo at magtatag ng bagong kautusan na aniya’y “has no room for the barbarity of terrorists and extremist forces” and “where progress and prosperity are enjoyed by all”.
Hinikayat naman niya ang kanyang mga counterparts na “honor those who have fallen to the invisible enemy that is the pandemic and the scourge of terrorism”.
Aniya, ang susi sa pagbahagi ng kasaganahan ay malayang paggalaw ng ‘goods, capital, and services, complemented with appropriate social safety nets.’
“This is why we in (Association of Southeast Asian Nations) are drawing up a comprehensive recovery plan anchored on strengthening economic cooperation and supply chain connectivity,” ayon sa Pangulo.
Kaugnay nito, ipinangako naman ng Pangulo na paiigtingin niya ang pakikipag-ugnayan sa Asean, United Nations, at iba pang international partners, kabilang na ang Jordan.
Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo si King Abdullah II para sa napapanahong pagpupulong kung saan nakikita ng Aqaba partners ang oportunidad na mag- recommit para mapahusay ang kooperasyon.
Nangako rin si Pangulong Duterte na patuloy na magta-trabaho para paliitin ang tinatawag na deep-seated inequalities bilang integral part ng whole-of-nation strategy sa paglaban sa terorismo at violent extremism.
Samantala, ang Aqaba Process meeting ay pagsasama-sama ng mga lider at pinuno ng international organizations para sa pagpapalitan ng pananaw kung paano palalakasin ang international cooperation bunsod ng pagtaas ng vulnerability ng maraming bansa para sa radikalisasyon at violent extremism na resulta ng Covid-19 pandemic. (Daris Jose)
-
9 ANYOS DINALIRI
SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaki matapos na magreklamo ang isang 9 anyos menor de edad na kanyang dinaliri sa likod ng isang truck,kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 na inamiyendahan bilang RA 8353 ang suspek na si Israel Barrera , ng 799 Fabia St.,Tondo dahil […]
-
Matapos silang maghiwalay ni KC: GENEVA, ni-reveal na minsan nang tumira sa bahay nina KRIS at JAY-R
MUNTIK maging biktima ng panggagahasa ang Vivamax actress na si Aiko Garcia. Lahad ni Aiko, “Muntikan, muntikan! Mga ten years ago. Nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.” Kilala ni Aiko ang kapitbahay nila na nagtangka siyang halayin. “Sinadya niya, […]
-
‘Di kayang pagsabayin ang showbiz career at lovelife: MARCO, sobrang ka-close si JAKE kaya ‘di liligawan si KYLIE
PRODUCER na rin ang actress na si Lovi Poe ng sarili niyang kumpanya. At ang maganda pa, hindi lang pang-local ang market niya, pang-international din. Gusto raw niyang ituloy ang legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., ang dating Hari ng Pelikulang Filipino na may FPJ Films. This time, […]