• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nanawagan ng pagkakaisa, panalangin ngayong Pista ng Itim na Nazareno

UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ng pagkakaisa at patuloy na panalangin para sa paggaling ng sangkatauhan.

 

 

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

“Although we may not be able to take part in the usual Traslacion activities that have marked the celebration for centuries, let us keep on demonstrating our faith by praying for our country’s recovery and for humanity’s complete healing, especially from the ill effects of the COVID-19 pandemic,”ayon sa Pangulo.

 

 

“As a predominantly Catholic nation, may we remain united in spirit and in truth as we continue to build a future that is truly blessed with peace, prosperity, love and goodwill for all,” dagdag na pahayag into.

 

 

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay ipinagdiriwang ngayong araw ng Linggo, Enero 9.

 

 

Subalit, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases, ang taunang Traslacion, prusisyon ng imahe ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand papuntang  Quiapo Church, ay kanselado.

 

 

Nauna nang hinikayat ng Pangulo ang suspensyon ng mass gatherings kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa  Black Nazarene, bunsod ng tumaas na COVID-19 infections sa bansa.

 

 

“This venerated religious tradition, which commemorates the transfer of the image of Jesus Christ from its original place in Intramuros to its current shrine in Quiapo, is also a precious time for every devotee to understand the value of suffering and its saving grace,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)

Other News
  • Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025

    KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025.     “Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim. […]

  • SSS MEMBER NA APEKTADO NG COVID-19 MAAARI NANG MAG-CALAMITY LOAN

    Tumatanggap na ng aplikasyon ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro na lubhang naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP). Inaasahan ng SSS na may 1.74 milyong miyembro nito ang makikinabang sa CLAP kung saan maaaring makautang ng hanggang Php 20,000 depende sa monthly salary credit […]

  • MMDA: Paghuli at pagtiket sa mga e-bikes, e-trikes simula na

    BABALA pa lamang ang ginawa ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority sa mga lumabag sa MMDA Regulation No. 24-002 o ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, tricycles, pedicabs, pushcarts, at kuliglig  sa pagtawid sa mga national roads. “Ang mga lumalabag sa regulasyon ay sinita pa lamang at ipinaalam sa kanila ang regulasyon. […]