• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS MEMBER NA APEKTADO NG COVID-19 MAAARI NANG MAG-CALAMITY LOAN

Tumatanggap na ng aplikasyon ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro na lubhang naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP).

Inaasahan ng SSS na may 1.74 milyong miyembro nito ang makikinabang sa CLAP kung saan maaaring makautang ng hanggang Php 20,000 depende sa monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan.

 

Ang kagandahan ng pautang na ito, base sa paliwanag ni SSS president/chief executive officer Aurora Ignacio, maaaring bayaran ang loan sa loob ng 27 buwan na may interest rate na hanggang 6% matapos ang tatlong buwang moratorium mula sa dating 24 buwan na may 10% na interes.

 

Ginawa ito ng ahensya dahil batid nila ang mabigat na epekto ng pandemya sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan.

 

Bukod dito, walang kukuning advance interest ngunit may 1% service fee na ibabawas sa naaprubahang utang.

 

Magkakaroon din ng 1% na penalty ang bawat buwan ng huling pagbabayad sa nasabing loan.

 

Sa mga miyembro na nais mag-aplay ng CLAP, kinakailangan na mayroon kayong 36 buwan na kontribusyon kung saan anim ay dapat na nabayaran sa nakalipas na labingdalawang buwan, kailangang naninirahan o nagtratrabaho sa bansa, hindi nakakuha ng anomang final benefit katulad ng total permanent disability o retirement, o walang outstanding loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program o mula sa mga dating calamity loan.

 

Mahalaga rin na nakarehistro sa My.SSS web portal na matatagpuan sa SSS website na www.sss.gov.ph.

 

Bilang pagsunod na rin kasi sa social distancing at health protocols ng pamahalaan, maaaring magsumite ng aplikasyon gamit ang My.SSS web portal.

 

Hindi na rin kakailanganin ang dokumento na katunayan na ang inyong lugar ay nasa ilalim ng State of Calamity dahil hindi naman lingid sa lahat na sa bisa ng Presidential Proclamation No. 929 na inilabas ni Pangulong Digong Duterte noong March 16, 2020 ay nadeklara ito.

 

Maaaring makuha ang aprubadong loan sa kanilang Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card na enrolled bilang ATM, puwede rin sa Union Bank of the Philippines Quick Card o tseke na ipapadala sa kanilang home address.

 

Maaaring magsumite ng CLAP hanggang September 14, 2020.

Other News
  • GCQ sa NCR at Bulacan, extended

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes, Hunyo 14 ang ekstensyon o pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.   “Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Inilagay […]

  • SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans

    REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady.     Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017.     Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]

  • Robredo, ‘No regrets’ sa kabila ng OVP challenges sa ilalim ng administrasyong Duterte

    “NO REGRETS”  si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.     Sa  last episode ng kanyang  lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng suporta  mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan ang dahilan para itulak ng kanyang tanggapan na […]