• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, personal na nagpaabot nang pagbati sa mga miyembro ng PSG na nakapasa sa Bar exams

PERSONAL na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020/2021 bar examinations.

 

 

Sa isang text message, sinabi ni PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia, na nakipagkita ang mga bar passers kay Pangulong Duterte para sa isang photo opportunity sa Malago Clubhouse sa Malakanyang noong Abril 21.

 

 

“The gesture was gladly received by the new bar passers,” ayon kay Lucrecia.

 

 

Ang mga PSG members na matagumpay na nakapasa sa Bar examinations ay sina Captain Joan Napay, kasalukuyang nakatalaga sa PSG Station Hospital; Lt. April Bayabao mula sa Office of the Assistant Chief of Staff for Logistics at PSSg. Byron Angelo Bacud mula sa Presidential Police Security Force Unit.

 

 

Ani Lucrecia, ipinresenta ni PSG commander Brig. Gen. Randolph Cabangbang kay Pangulong Duterte ang mga PSG members na pumasa sa bar exams.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Napay na ibinahagi sa kanila ni Pangulong Duterte ang kanyang personal na karanasan bilang abogado at isang prosecutor nang siya ay nananatili pang nasa practice.

 

 

Samantala, inirekomenda naman ni Pangulong Duterte ang pagbabasa ng maraming libro ukol sa trial techniques at hinikayat ang mga bagong abogado na mag-engage sa practice maging sa Armed Forces of the Philippines o pribadong sektor.

 

 

Sinabi ni Napay na magsisilbi siya sa AFP.

 

 

May kabuuang 8,241 examinees mula sa 11,402 takers ang pumasa sa 2020/2021 Bar Examinations para sa 72.28% passing rate, ayon sa Korte Suprema. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-abswelto kay Revilla sa graft hindi namin iaapela

    Wala nang balak iapela ng Office of the Ombudsman ang pag-dismiss ng Sandiganbayan sa patung-patong na kaso ng graft laban kay Sen. Bong Revilla kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.     “The SB First Division voted 3-2 to grant Senator Revilla’s Demurrer to Evidence, AND WE RESPECT ITS DECISION,” ayon sa tanggapan ng Ombudsman, […]

  • Team Philippines reresbak sa 2023 Cambodia SEAG

    MAITUTURING  pa ring tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ito ay mula sa hinakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals ng Pinas para pumuwesto sa fourth place sa overall medal standings bagama’t apektado ng pandemya ang training ng mga atleta simula […]

  • Woman of unshakable integrity’: PBBM, nagbigay pugay kay dating Senador Rasul

    NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating senadora Santanina Rasul na pumanaw noong Nov. 28, sabay sabing ang pagpanaw ng senadora ay “a loss deeply felt not only by (her) family but by the entire Filipino nation.”     Sa condolence message ng Pangulo sa pamilya Rasul, sinabi ng Pangulo na ang naging […]