• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam

KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.

 

 

Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.

 

 

Sa katunayan ani Andanar ay mayroon ng imbitasyon ang Pangulo bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang kampo.

 

 

“Mayroon pong imbitasyon pero wala pa pong venue at petsa,” ayon kay Andanar.

 

 

Sa kabilang dako, wala pa rin namang sinasabi si Pangulong Duterte ukol sa nasabing imbitasyon subalit ayon naman kay Secretary-General at Cabsec Melvin Matibag ay kanilang inaasahang magpapa- unlak sa imbitasyon ang Punong Ehekutibo.

 

 

‘Hindi po ako nakakatiyak kung siya po ay dadalo. Pero mamaya ay magkasama po kami, I’ll try to ask him,” ayon kay Andanar.

 

 

Sinasabing, ilan sa mga lugar na nababanggit na posibleng gawin ang joint campaign rally ng Uniteam at PDP Laban ay Bulacan, Parañaque habang ikinukunsidera din ang Laguna at Nueva Ecija. (Daris Jose)

Other News
  • LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

    ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.     Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila […]

  • Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

    HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.     Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.   […]

  • BTS sa Kongreso

    Nagsanib puwersa sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at anim na kaalyadong mambabatas nito para magbuo ng grupo o bloc sa kamara na tinawag nilang “BTS sa Kongreso,” base sa isang sikat na South Korean boyband.   Isang media event ang ginanap kahapon January 14, Huwebes  sa Quezon City para sa paglulunsad ng naturang grupo […]