PDU30, pinakakasuhan na sa Senado ang Pharmally
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation dahil sa overpriced na COVID-19 supplies na binili ng gobyerno.
Sa kanyang lingguhang address to the nation nitong gabi ng Lunes, iginiit ng pangulo na ang Senado ay hindi criminal court at hindi dapat gamitin para maghanap ng kamalian.
Paglilinaw pa nito na hindi niya ipinagtatanggol ang Pharmally at ang ayaw lamang niya ay ang pagpapatawag sa mga miyembro ng gabinete na abala ngayon para sa usapin ng COVID-19 pandemic response.
“If you think you have enough evidence against Pharmally, go ahead and file cases against them in proper courts. Stop using it simply as a witch hunt in aid of election,” wika pa ng pangulo.
Muli ring binanatan ng pangulo si Senate blue ribbon chair Richard Gordon sa pagsasabing hindi siya maaaring “mag-diyos-diyosan” daw sa pag-iimbestiga sa Senado.
Samantala, pinirmahan na rin aniya niya ang memorandum na nag-aatas sa executive department officials na hindi na dumalo sa imbestigasyon ng Senado. (Daris Jose)
-
Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles
WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections. Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan […]
-
Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli niya kay Nadal
NAGING emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia. Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis. Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado […]
-
Omicron cases sa Pilipinas umabot sa 1,153 matapos matukoy local ‘sub-variants’
NAKAPAG-DETECT ang Pilipinas ng karagdagang 618 kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant infections dahilan para umabot na ito sa libu-libo, ayon sa Department of Health (DOH). Bahagi ito ng painakasariwang batch ng whole genome sequencing na iniulat ng DOH, UP-Philippine Henome Center at UP-National Institutes of Health ngayong araw, kung saan nasa […]