• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30 pinasasagot ang DOH sa P67 bilyong pandemic funds

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na sagutin ang obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may “deficiencies” sa P67 bilyong pandemic funds na hindi umano nagamit ng maayos ng DOH.

 

 

“Well, ang instruction po ng Presidente ay saguting mabuti ang mga observation ng COA. Iba kasi itong nature ng observation ng COA noh? kung sa dati-rati eh mga politiko lang ang mga nagbibigay ng paratang. Ang COA po kasi ay isang constitutional body at talagang ang trabaho niyan eh bantayan ang kaban ng bayan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

Sa ngayon ay hindi muna umano maglalabas ng kanyang “judgement” ang Pangulo hangga’t hindi nakakapagsumite ng komento ang DOH.

 

 

“Ngayon, premature pa po ah. Sasagot pa lang po ang DOH. Hintayin natin ang sagot. The President is keen to read the answers dahil medyo mabigat po ang mga obserbasyon,” sabi ni Roque.

 

 

Bilang abogado ay alam anya ni Duterte na matapos na sumagot ang isang pinaparatangan o isang ahensiya at nagkaroon ng pinal na obserbasyon ang COA ay saka pa lamang makakapagsampa ng kaso.

 

 

“Ang Presidente po, walang sinasanto. There are no sacred cows in this administration,” sabi ni Roque.

 

 

Ang nais ng Pangulo ay nagagamit sa kapakinabangan ng taumbayan ang bilyun-bilyong pondo na inilalabas para sa COVID response, wika pa ni Roque.

 

 

Sa inilabas na 2020 audit report ng COA, sinabi nito na nagkakahalaga ng P6.61 milyon ang mga nag-expired na gamot samantalang mayroong P20.06 milyong halaga ng gamot na malapit ng mag-expire.

 

 

Ayon sa COA, mayroon ding mga P69 mil­yong halaga ng gamot, iba pang medical at office supplies at trai­ning materials na sumobra ang binili, mabagal ang paggamit o hindi nagagamit. (Daris Jose)

Other News
  • COCO at JULIA, mala-Mr. & Mrs. Smith ang peg sa promo shot para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

    MALA-Mr. & Mrs. Smith ang peg ng promo shot nina Coco Martin at Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Kaya naman may kanya-kanyang reaction ang netizens na ‘yun iba ay hindi nagustuhan.     “Yung Probinsyano naging Spy na.”     “Mr. And Mrs. Smith ang peg…     “Bansot version.  Anlayo ng Brad […]

  • KOBE, dumaan din sa matinding depresyon na ramdam pa hanggang ngayon

    INAMIN ni Kobe Paras sa post niya na dumaan din siya noon sa matinding depresyon na maituturing na lowest point ng kanyang buhay.     Isang screenshot ang ibinahagi niya na may caption ng, “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just […]

  • Andrew Garfield Enjoyed Lying About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’

    ANDREW Garfield, who portrayed Spider-Man in The Amazing Spider-Man film series, enjoyed lying about his role in  Spider-Man: No Way Home.   Garfield reprised as the webslinger in the latest installment of Tom Holland’s Spider-Man series, which takes place in the MCU. Tobey Maguire, who has also portrayed Peter Parker in the past in Sam Raimi’s trilogy, joined Garfield and […]