• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinayuhan ang mga Muslim na manatiling modelo ng “goodwill, compassion”

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino-Muslim community na hindi lamang maging modelo ng Islamic faith, kundi maging ng “goodwill and compassion for all of humanity”.

 

 

Sa kanyang Eid’l Fitr message, binati ni Pangulong Duterte ang mga Filipinos-Muslims sa buong mundo ng Eid Mubarak (blessed feast) at ang wish niya sa mga ito ay makabuluhang selebrasyon.

 

 

Umaasa naman ang Punong Ehekutibo na ang mga Muslim ngayon ay “refreshed” at mayroong “renewed strength” sa panahon ng “festive conclusion” ng holy month ng Ramadan.

 

 

“May this event inspire you to remain models not only of the Islamic faith, but also of goodwill and compassion for all of humanity,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I thus join you in giving thanks to the Almighty for this blessing and for sustaining you during your month-long fast.”

 

 

Sa kabilang dako, batid naman ng Pangulo na napanatili ng pananampalataya ang bansa simula Marso 2020 nang sumipa ang Covid-19 pandemic.

 

 

“Let us therefore be truly grateful for the constant guidance and provision we have received all throughout this whole ordeal,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sa bisa ng Proclamation No. 1356 idineklara ng Malakanyang na regular non-working holiday sa buong bansa, ngayong araw, Mayo 3 bilang bilang pagdiriwang ng Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

 

 

“The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, subject to the public health measures of the national government,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng Muslim community tatlong araw matapos ang isang buwan na Ramadan fasting.

 

 

Nadedetermina ang Eid’l Fitr gamit ang lunar-based Islamic calendar sa pamamagitan ng sighting ng crescent moon sa Islamic month of Shawwal.

 

 

Ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr bilang regular holiday sa bisa ng Republic Act 9177 bilang pagkilala sa Islamic heritage ng Pilipinas. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Claudine, balak kasuhan si Jodi sa pakikipag-relasyon kay Raymart

    “THE height!”   ‘Yun talaga ang naging reaksiyon/litanya namin nang malaman namin na posible raw kasuhan din ni Claudine Barretto si Jodi Sta. Maria dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Raymart Santiago.   As in the height! Parang ayaw na naming patulan at bigyan pa ng paliwanag bakit the height na gagawin pa yun ni Claudine. […]

  • Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik

    MULING  inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.   Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.   Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na […]

  • Fadol sinilat Italian, wagi rin kontra Qatari sa Doha

    HUMATAW ng mga kambal na panalo sina Rose Jean Fadol at Jann Mari Nayre para sumungaw na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng COVID-19 sa darating na July 23-August 8 ng taong ito.     Ginulantang ni Fadol, 26, si Olympian Debora Vivarelli ng Italy, 11-6, 11-9, 11-9, […]