• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 sa PNP at AFP: Be ready for Russia-Ukraine war spillover

SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ihanda ang sarili para sa potensiyal na ‘spillover’ sa Asya ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Sa idinaos na graduation rites ng PNP Academy “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Silang, Cavite, sinabi ni Pangulong Duterte na nakipagkita at nakipagpulong siya sa mga pulis at militar upang balaan ang mga ito sa posibleng ‘spillover’ ng Russia-Ukraine conflict sa Pilipinas.

 

 

“Nagwa-warning lang ako that things might go overboard. Itong gulo na ‘yun. Isang pagkakamali diyan, may problema na tayo ,”ayon sa Pangulo.

 

 

Hindi naman na nagbigay ng karagdagang detalye si Pangulong Duterte hinggil sa kamakailan lamang niyang pagkikipagpulong sa mga opisyal ng PNP at AFP subalit sinabi ng Punong Ehekutibo na inatasan niya ang tropa ng Pilipinas na maging “handa” sa posibleng kaganapan na paglulunsad ng Russia ng nuclear war laban sa Ukraine.

 

 

“Kaya sinabi ko, tinawag ko ‘yung PNP pati ‘yung armed forces. Sinabi ko kapag magulo na, trabaho na ng pulis pati army iyan, the Armed Forces of the Philippines. Be ready for that ,” aniya pa rin.

 

 

“Kaya pag ganoong magulo, it’s war. We may be dragged into or something might really happen also kasi kasama-kasama iyan eh. Inyong problema na,” ani Pangulong Duterte sabay sabing “Kung hindi mangyayari, magpasalamat tayo sa Diyos.”

 

 

Gayunman, pinuri naman ng Pangulo ang tropa ng Pilipinas dahil mahusay nitong ginagampanan ang kanilang mandato na maglingkod sa bayan sa kabila ng kamakailan lamang na global challenges.

 

 

“I commend you for remaining true to your mission to keep citizens safe amidst the recent struggles and uncertainties that the world is facing,” ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Other News
  • ELLEN, tinawag na ‘ingrata’ ng netizens at pinalalayas na sa ‘Pinas dahil sa planong mag-file ng kaso

    NEGA nga sa netizens ang balitang diumano’y planong mag-file ng legal complaints ni Ellen Adarna sa production ng John en Ellen kunsaan, naging show niya sa TV5.     Pagkatapos ng walk-out issue, heto’t mali raw ang ginawang pagsu-swab sa kanya kaya siya nag-false positive, pati ang P.A. niya. Na-trauma at hindi rin daw nakita […]

  • Jersey na suot ni Curry sa Game 1 NBA Finals kontra Celtics nabili sa auction nang mahigit $203-K

    NAIBENTA sa halagang $203,300 sa auction ang jersey ni Golden State Warriors star Stephen Curry.     Ang nasabing jersey ay isinuot ni Curry sa Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Boston Celtics noong nakaraang buwan.     Sa nasabing laro ay natalo ang Warriors sa Celtics noong Hunyo 2.     Nakapagtala […]

  • DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.     Sa isang simpleng programa, sinabi […]