PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.
“I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala na P10 billion?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
“That is a statement coming from a guy that is punch-drunk, lasing,” giit ng Pangulo.
Nauna rito, pinaputok ni Senador Pacquiao na P10.4-B na SAP funds ang nawawala.
Ibinunyag ni Senador Pacquiao na P10.4 billion ang pondo sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP ang hindi umano nakarating sa mga benepisaryo.
Sinabi ni Pacquiao na P14 billion ang kabuuang pondo ng SAP para sa 1.8-milyong benepisaryo na ipinamahagi sa pamamagitan ng StarPay E-wallet.
Pero isiniwalat ni Pacquiao na 500,000 lang sa mga benepisaryo ang nag-download ng StarPay E-wallet kaya malinaw na sila lang ang nakatanggap ng ayuda.
Ayon kay Pacquiao, P207.6 billion ang inilaan ng gobyerno sa ikalawang round ng ayuda o SAP at sa nabanggit na halaga ay humigit-kumulang P50 billion ang dinala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Starpay.
Sabi ni Pacquiao, maghahain siya ng resolusyon para maimbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee at doon niya ibibigay ang kanyang mga ebidensya, mayroon din daw siyang testigo na hindi muna niya pinangalanan.
Ipinakita ni Pacquiao ang sangkaterbang mga dokumento na aniyang patungkol sa mga katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Tulad aniya sa Department of Health (DOH) na bumibili ng mga expired na gamot.
Sa simula pa lang ay agad binigyang diin ni Pacquiao na hindi dapat magalit sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nais lamang niyang tumulong sa kampanya nito laban sa korapsyon.(Daris Jose)
-
BBM planong gamitin sa buong bansa ang estilo ng agrikultura sa N. Ecija
IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes. Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa […]
-
Bading na-depressed sa utang, nagbigti
NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na […]
-
Skyway 3 toll fee simula na sa July 12
Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3. Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, […]