Pdu30, sobrang kumpiyansa na maipapasa ang 2021 national budget sa tamang oras
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
“VERY optimistic” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipapasa sa tamang oras ang panukalang 2021 national budget matapos na ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pinal na naresolba ang bangayan sa speakership.
Ang pahayag na ito ni Presi- dential spokesperson Harry Roque ay matapos na palitan ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco si Taguig City Representative Alan Peter bilang House Speaker sa pamamagitan ng plenary vote, araw ng Martes.
“Now, the President is very optimistic na maipapasa po ‘yan kasi naisantabi na po ‘yung pulitika and they can now concentrate on passing the budget in the House,” ayon kay Sec. Roque.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Sec. Roque ang mga mambabatas sa pagsunod sa naging panawagan ni Pangulong Duterte na isantabi ang politika at ituon ang pansin sa pagpapasa sa 2021 budget, kung saan naglalaman ng pondo para sa COVID-19 response at recovery efforts.
“I think the message was received by everyone that the President really needed the early passage of the proposed 2021 budget. Kung hindi po siguro dahil dito ay lalo pang napahaba iyong agawan sa puwesto,” anito.
“Pero the President, I think, made it very, very clear that at the time of COVID, hindi pupuwedeng maantala iyong budget niya para maging kasagutan dito sa pandemyang ito. And we thank the House of Representatives for that,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, winelcome naman ni Budget Secretary Wendel Avisado ang naging kaganapan sa Kongreso.
“Kami po ay natutuwa at nagagalak na naresolba na po iyang leadership issue dahil nga po kagabi napag-usapan namin, eh we cannot afford a re-enacted budget at this time, lalo’t higit na patuloy nating kinakaharap ang pandemya,” aniya pa rin.
Nauna rito, nanawagan si Pangulong Duterte para sa special session ng Kongreso mula Oktubre 13 hanggang 16 para matiyak na nasa tamang oras ang pagpapasa ng budget bill. (Daris Jose)
-
Mother-in-law na si Sylvia, pinupuri ng mga netizen: MAINE, binigyan ng bonggang bridal shower ng pamilya Atayde
IBINAHAGI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pajama party na inihanda para sa bridal shower ng future daughter-in-law na si Maine Mendoza na ikakasal na sa panganay na anak na si Congressman Arjo Atayde. Naganap ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023. Kasama […]
-
Bilang ng mga nasawi sa C-130 ng PAF plane crash sa Sulu, nadagdagan pa!
Nasa 31 na katao na ang namatay kung saan 29 ang sundalo at dalawang sibilyan matapos bumagsak ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kahapon ng umaga sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu. Ginagamot naman sa ospital ang 50 pang sundalo at apat na sibilyan habang patuloy ang search and rescue operations sa […]
-
Kelot na wanted sa rape sa Valenzuela, nasilo sa Laguna
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Sta. Cruz Laguna. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng 37-anyos […]