• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines

SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.

 

ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing.

 

Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap ang pamahalaan sa apat na “potential” Covid-19 vaccine manufacturers.

 

“Para hindi tayo totally dependent sa pag-import ng vaccines. Of course, ngayon ho talagang nagde-depend tayo dahil wala tayong local manufacturing capabilities ,” ang sinabi ni Lopez kay Pangulong Duterte sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Taskforce for the Management on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malakanyang.

 

Base sa naging presentasyon ni Lopez, ang United Laboratories at Glovax ay kabilang sa mga pharmaceutical companies na nagpahiwatig ng kanilang plano na gumawa ng Covid-19 vaccines sa bansa.

 

Ang potential vaccine manufacturers, ani Lopez ay humihiling ng “green lane on government permits” upang matiyak na mabilis na mapo-proseso ang lahat ng mga requirements at kakailanganing dokumento.

 

Aniya pa, ang pagbili ng pamahalaan ng locally-produced vaccines ay labis na nakapanghihikayat, “subject to standards, specs and prices.”

 

“They need our support. Kailangan i-commit din ni government na bibilhin natin iyan para self-reliant and self-sufficient tayo. So ‘yun po ang isang kahilingan dito,” ayon sa Kalihim.

 

Sinabi naman ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi na welcome sa kanya ang posibleng paggawa o pagmamanupaktura ng Covid-19 vaccines sa bansa.

 

Aniya, ang posibilidad na magkaroon ng Covid-19 vaccines na gawa sa Pilipinas ay isang “answered prayer.”

 

“Parang dasal natin ito sa gobyerno kasi historically, the Philippines is one of the laggard, sabi nila because there’s a lot of paperwork at kung anu-ano ang hinihingi,” ang pahayag ng Pangulo.

 

At para suportahan ang local production ng mga bakuna ay ipinag-utos ng Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalan na madaliin ang pag-proseso ng mga requirements.

 

Naniniwala ang Punong Ehekutibo na aabot lamang ng “less than an hour” para magpalabas ng permits para sa mga kompanya na interesadong gumawa ng Covid-19 vaccines sa bansa.

 

“Ask everybody to cooperate. Itong government procurement of locally-produced [vaccines], subject to standards, specs and prices, madali lang naman ito kung trabahuhin mo ito . I don’t think it would take about one hour trabahuhin mo sa opisina . It’s a matter of preparation,” giit ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Disney’s Casting Call for a Filipino ‘Lola’ Could Be for ‘Spider-Man 3’

    DISNEY is currently looking for a Filipino grandmother to play a role in an upcoming film.   The casting call posted at ProjectCasting.com and will expires on January 31:   “Katie Doyle Casting, Hawaii is assisting Sarah Finn Casting (Avengers: Endgame, The Mandalorian, Guardians of the Galaxy) in looking for an actress to play a role in […]

  • Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa

    Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.   Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng […]

  • Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO

    TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.     Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng […]