• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang  “sinungaling”  nang hanapin siya nito  pagkatapos manalasa ang  bagyong Ulysses.

 

Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo  na dumalo siya sa  ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad.

 

Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si Robredo ng “misleading the public” na siya ay “missing in action” sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

 

“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth,” ayon sa Pangulo.

 

“Alam mo, ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo. I was here, dito. I was attending a summit, ASEAN Summit ‘yun, so virtual lang, palit palit kami. We were talking electronic. Nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo, dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami dito,”dagdag na pahayag ni Pangulong  Duterte..

 

Giit pa ng Chief Executive na siya ay “night person” na nagta-trabaho ng late kaya’t sa gabi na niya nababasa ang mga official documents.

 

“Sinabi ko sa tao ‘yan that I am a night person, my day begins at 2, 2 o’clock hanggang gabi na, no limit. Hanggang gabi na ‘yan, umaabot ng alas dos, alas tres ng umaga,” ayon sa Pangulo.

 

Itinanggi naman ng Pangulo na natutulog siya habang nagdurusa ang mga mamamayan  sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

 

“Ngayon kung sabihin mo may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon. Gising ako ng umaga because of the summit,” binigyang diin nito.

 

Kaugnay nito, itinatwa naman ni Robredo ang alegasyon ni Pangulong Duterte na isa siya sa naghahanap sa Pangulo habang  binabayo ng bagyong Ulysses ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

“I just called out Sec. Panelo for peddling fake news. I am also calling out whoever peddled the fake news to the President, kaya ganito siya ka pikon. I never said ‘Where is the President’? You can review all my tweets,” ani Robredo sa Twitter.

 

Sa ulat, nakipagtulungan na si  Robredo sa mga units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para iligtas ang mga residenteng apektado ng pagbaha ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.

 

Sa serye ng Tweets, tiniyak ni Robredo na ang rescue teams ng Philippines Marines ay papunta na sa mga apektadong lugar.

 

Pinaplano na rin aniya ang pagsasagawa ng air rescue.

 

May mga miyembro na rin ng Marines at Philippine Army na naka-standby pero hindi makapasok sa Alcala, Cagayan dahil sa abot-leeg na baha.

 

Papahupain lamang ang tubig para makatawid ang mga rescuers. (DARIS JOSE)

Other News
  • Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF

    Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks  para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies […]

  • Alden, wish na makahanap na ng mag-aalaga sa kanya

    ANG makahanap ng may mag-aalaga naman sa kanya ang isa sa nilu-look forward na talaga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagpasok ng bagong dekada ng career niya.         “May nag-aalaga naman sa akin, of course, pero siyempre, iba yung personal talaga, yun po, yun naman siguro ang magiging priority ko […]

  • Kelot na nangholdap at nambugbog sa babaeng Chinese national sa Valenzuela, timbog

    NASAKOTE ng pulisya ang isang lalaki sa pambubugbog at panghoholdap sa isang babaeng Chinese national at ang kapatid nito hinihinalang kasabwat sa krimen sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang aarestong mga suspek na si alyas “Dannyper”, 33, at kapatid nitong si alyas “John Paul”, 24, kapwa […]