• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, tiwala pa rin kay Diokno

NANANATILING nagtitiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa anti-graft and practices act law sa Ombudsman dahil sa di umano’y anomalyang kontrata para sa produksyon ng national identification cards.

Nanindigan si Presidential spokesperson Harry Roque sa integridad ni Diokno at kumpiyansa ito na masasagot ni Dokno ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Kung maaalala nyo, si Governor Diokno until fairly recently was in the Cabinet enjoying the full trust and confidence of the President. In fact, he trusted him so much that he promoted him to become Central Bank Governor,” ayon kay Sec. Roque.

Kamakailan ay naghain ng medical leave si Diokno para alisin ang blood clot matapos ang minor accident.

“So naninindigan po tayo sa integridad ni Governor Diokno at alam naman natin na karapatan ng kahit sinong mamamayan na magsampa ng kaso pero kampante po kami at nagtitiwala na magbibigay linaw po si Governor Diokno sa issue na ito,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, pinaratangan ni Ricardo Fulgencio IV, chairman ng Stop Corruption Organization of the Philippines Inc., si Diokno at anim na BSP officials na pinaboran ang OVD Kinegram AD para sa card production ng national IDs.

Sinabi ni Fulgencio na ang P1.75 billion contract ay in-award sa nasabing kompanya nang walang kaukulang public bidding na ipinagbabawal sa procurement laws. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao ibinahagi ang ginagawang training sa nalalapit na laban

    Binahagi ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang pagsisimula na ng kaniyang boxing training.     Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video habang nagsasagawa ng workout.     Makikita sa video na ito ay tumatakbo at nagsasagawa ng shadow boxing.     Hindi pa ngayon inaanunisyo ng kampo ng fighting senator kung sino […]

  • ‘Di pa rin nagpa-follow back sa IG account nila: TOM, balitang muling nanliligaw kay CARLA kaya posibleng magkabalikan

    MARAMING netizens at fans ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang naghihintay pa rin kung ano ang totoo sa pananahimik nilang dalawa sa issue na naghiwalay na sila.      Ayaw na ba nila talagang buksan or i-follow ang kani-kanilang Instagram accounts para naman malaman ng fans nila kung may aasahan […]

  • Ads March 15, 2021