• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong

TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año.

 

 

“The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.

 

 

“And I agree with it, E-sabong will end by tonight…or bukas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, nagsagawa ng mahigpit na pagsusuri ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa bagay na ito.

 

 

Inatasan kasi ni Pangulong Duterte si Sec. Año na magsagawa ng survey sa industriya.

 

 

“Given its network within the local units, and gather feedback in both cities and provinces regarding its operations,” ayon sa Pangulo.

 

 

“The recommendation is on my table now, so ‘pagdating doon, basahin ko and maybe by Monday, malaman natin kung ituloy natin o hindi,” ang naging pahayag ng Pangulo nito lamang weekend nang magsagawa siya ng inspeksyon sa OFW Hospital sa Pampanga.

 

 

“‘Pag-aralan ko ‘yan ngayong gabi. I will read it all over again, and I would like to see the dimension,” pagpapatuloy nito.

 

 

Sa nasabi pa ring event, sinabi ng Pangulo na dapat lamang na ipagpatuloy ang operasyon ng E-sabong sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), para sa isang ahensiya upang magkaroon ng centralized data ukol sa gaming operations.

 

 

“Sabi ko sa kanila it must be under PAGCOR. Lahat ng sugal dito sa Pilipinas PAGCOR kasi may control ako. Isang opisina lang tawagan ko kung meron ba nito o wala at anong nangyari dito, so I can have an answer without going to different offices to ask,” anito.

 

 

Samantala, agad nang ipasasara ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng iba’t ibang klase ng operasyon ng E-sabong sa Pilipinas.

 

 

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng naturang sugal na talagang talamak ngayon sa bansa.

 

 

Ipinahayag ni DILG Usec. Jonathan Malaya na ang kautusan na ito ng pangulo ay immediately executory at ngayon ay inatasan na rin aniya ni DILG Sec. Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) at ang lahat ng local goverment unit (LGU) upang agad na ipatupad ito sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Kabilang aniya sa mga operasyon na kanilang agad na ipatitigil ay ang mga studio live show kung saan ginagawa ang physical sabong, at mga betting station ng E-sabong.

 

 

Para kay Malaya, panahon na para ipatigil ang nasabing sugal bagama’t malaki ang natatanggap na kita ng pamahalaan dito dahil marami na aniyang nalululong dito na magdudulot lamang ng kapahamakan. (Daris Jose)

Other News
  • Tolentino suportado ang mga manlalaro

    POSITIBO si Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano na isa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakatulong sa Pilipinong atleta sa ilalim ng  bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight Distriuct Rep. Abraham Tolentino.   “Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng vote of confidence sa mga lider ng bawat national sports […]

  • Ads October 24, 2020

  • Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.   Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.   Nakasaad sa  Executive Order 119  na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya […]