• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines

UMAASA si  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte  na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador.

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Nagsagawa kasi ng  farewell call si Kim kay Pangulong Duterte, araw ng Lunes.

 

“I hope everything will be the same, as is,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address matapos mabanggit ang pagtatalaga ng bagong  US ambassador to the Philippines.

 

“Kim is out,” ayon sa Pangulo.

 

Bago pa ang  public address, inanunsyo na ng Malakanyang ang pagbati kay  Ambassador Kim dahil sa kanyang  “successful tour of duty” sa bansa.

 

Magtatapos na kasi ang  three-year tour of duty ni Kim  sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 2016.

 

Sa kabilang dako, pinagkalooban naman ni PangulongDuterte si outgoing ambassador Kim ng  Order of Sikatuna na may  ranggo  na Datu or Gold Cross.

 

“The President expressed appreciation for Ambassador Kim’s vital contributions in strengthening the alliance and partnership between the Philippines and the United States,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

 

Tinukoy din ng Malakanyang ang  “important milestones” ng ugnayan ng bansa sa Estados Unidos gaya ng pagbalik ng  Balangiga Bells noong Disyembre  2018.

Pinalawig din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang aspeto gaya pagbahagi ng  interest, lalo na sa defense and security, trade and investments, at people-to-people exchanges.

 

Para naman kay Kim, pinasalamatan niya si Pangulong Duterte para sa   “productive bilateral engagement” sa Pilipinas.

 

“He emphasized that the US remains committed to the alliance and partnership with the Philippines that are based on shared values and meaningful history,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kai Sotto pinagbidahan ang Adelaide 36ers

    MULING nagpasiklab si Kai Sotto upang tulungan ang Adelaide 36ers sa 88-83 overtime win laban sa Melbourne United sa 2021-2022 Australia National Basketball League (NBL) kahapon sa Adelaide Entertainment Center.     Naging instrumento ang 7-foot-3 Pinoy cager para makuha ng 36ers ang ikaapat na panalo sa 10 pagsalang para saluhan sa No. 6 spot […]

  • PDu30, inatake ang Senado sa ginagawa nitong imbestigasyon ukol sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas

    MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.   Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag […]

  • PNP, walang nakikitang dahilan para bawiin ang suporta at katapatan sa Marcos Jr. administration

    WALANG nakikitang dahilan ang Philippine National Police na bawiin ang suporta at katapatan ng buong hanay ng Pambansang Pulisya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.       Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo kasunod pa rin ng naging panawagan ni Davao del Norte rep. Pantaleon Alvarez sa […]